2

1699 Words
Aries P.O.V. Nagising akong masakit ang katawan, inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nag taka nang mapagtanto kong nasa loob ako ng isang kwarto na yari sa kawayan, Nasaan ako?, Tanong ko sa aking isip,tatayo na sana ako ngunit napangiwi ako ng maramdaman ko ang kirot sa aking katawan lalong lalo na sa may bandang Dibdib at doon ko lang napagtantong may Dextrose na naka sabit sa may dingding at turok ito sa kaliwa kong kamay. Sinuri ko ang aking katawan, meron akong benda sa sa magkabilang braso, at sa kaliwang dibdib,kinapkap ko ang ibang parte ng aking katawan, meron din sa may kanang balitkat at aking tagiliran. Pinakiramdaman ko ang aking paa, medyo masakit igalaw ang mga ito kayat dahan dahan ko inangat aking kanang binti at tiningnan , meron ding bandages sa palibot ng aking hita, sinubukan ko ding itaan ang kaliwa kong paa upang suriin ito at nakita kong may bandages sa aking binti. Paano ako nagka sugat sugat? Tanong ko sa aking isip, pinilit kong alalahanin ang mga nangyari ngunit wala akong maalala ni pangalan ko ay hindi ko matandaan. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at isang mala dyosang babae ang iniluwa nito, Tumingin ito sa akin at natigilan ng makita akong nakamulat, maya maya ay ngumiti ito, lumabas ang dimples nito sa magkabilang pisngi, ang ganda niya “Gising kana, Anong pangalan mo?” tanong niya sa akin, Sinubukan kong magsalita ngunit walangg lumalabas sa aking bibig kaya't umiling ako dito, kumuha ito ng isang basong tubig at ipinainum sa akin ng paunti unti, maya mya ay nag tanong ito ulit “anong pangalan mno?” “Hindi ko alam” Malungkot kong sagot dito, tinitigan ako nito na parang pinag aaralan kong totoo ba o hindi ang sanasabi ko “Ako nga pala si Willow Vidal, Nakita kitang palutang lutang sa dagat habang ako ay namamangka, isang tatlong kana ding natutulog” Sabi nito habang nililinis ang mesa sa gilid ng kama, “sandali lang at magluluto ako ng pagkain mo” Sabi nito at lumabas na ng kwarto, pinilit kong bumangon ngunit hindi talaga kaya ng aking katawan. Sinio ba ako? Tanong ko sa aking isip, pinilit kong alalahanin ang mga nangyari sa akin ngunit kahit anong piga ko sa aking utak ay wala talaga akong maalala, Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si willow na may dalang tray ng pagkain, inilapag niya ang laman ng itray sa mesa at tinulungan akong maupo at dahil hindi ko maigalaw ng maayos ang aking mga kamay kaya't sinubuan ako nito. Habang sinusubuan ako ni willow ay di ko maiwasang mapatitig dito, hapos perpekto ang mukha nito, Maliit ang size ng kanyang mukha, malalaki ang mga eyeballs nito Na may Golden brown na kulay, Matangos ang ilong, may maninipis at mapupulang labi, Makakapal na pilikmata at kilay, Maputi at makinis ang balat at kulay ash brown ang buhok, kung titingnan ay para itong dyosang bumaba sa lupa. Tatlong araw din ang inilagi ko sa higaan bago ko ako maka tayo, araw araw akong sinosubuan ni willow at pinupunasan, araw araw din nitong pinapalitan ang aking bandages ang mga sugat ko, Mabait ito, maalaga at maalalahanin, maswerte ang mapapangasawa ng babaeng ito. Nag laka ako patungo sa labas ng bahay, unang beses akong maka labas mula nang magising ako nang walang naaalala, sinuri ko ang paligid isang kubo ang bahay na tinitirhan ni willow at napapalibutan ito ng mga puno, nagtungo ako sa likurang bahagi ng bahay at namangha ako nang may makitang malapad na Vegetable Garden, Halos kompleto ang mga nnaitamin dito na gulay. Tumingin ako sa mga puno sa paligid at sinuri ito isa isa, napagtanto kong halos lahat ng mga punong naka paligid sa kubo ay puno ng prutas. “Nandito ka pala” Bigla ay narinig kong tanong ni willow sa aking likoran “Masakit pa ba ang mga sugat mo?” nag aalala nitong tanong “Hindi na masyado, kaya ko nang gumalaw” Sagot ko sa kanya “Tatlong araw na tayong nag uusap pero hindi alam kong anong itatawag ko sayo” Sabi nito, Ngumiti ako dito “Bakit hindi mo nalang ako pangalanan” Suhestyon ko kanya, napangiti ito, napatitig ako dito, kahit sinong lalaki ay hinding hindi magsasawang masilayan ang ngiti niya “Jace?” alok niyang pangalan sa akin, ngumiti ako “Jace then” pagsasang ayon sa alok niya “Ok jace, magluluto lang ako ng pananghalian natin” sabi nito at agad na pumasok sa loob ng kubo. Nagdesisyon akong maglakad lakad pa sa dulo ng Vegetable garden at nakita kong may vineyard sa unahan nito, namangha ako sa aking nakita, napakaraming bunga nito, apaka linis at parang may nag mementain ng paligid, nag tungo ako sa gitna ng vineyard at pumitas ng dalawang grapes at isinubo ito, nilasap ko ito, sobrang tamis ng grapes, naglakad ako hanggang sa marating ko ang huling bahagi ng vineyard, inilibot ang aking paningin, sa di kalayuan ay nakita ko ang dalampasigan, tinungo ko ang dalampasigan, malalaking bato ang aking nadaanan bago ako nakarating sa gilid ng dagat, white sand ito at napakalinaw ng tubig sa dagat, isa ba itong pribadong isla? Taka kong tanong ko sa aking sarili, wala kasi akong nakikitang bahay na naka tayo sa luagr na ito bukod sa kubo ni willow. Naglalakad ako ng may biglang lumitaw sa aking isipan, May mga kasama ako sa dalampasigan, nagtatwanan kami habang nagiinuman at bilang ang magandang babae na naka yakap sa akin, Sino ang mga iyon? Tanong ko sa aking isip, pinilit kong alalahanin ang iba pang nangyari ngunit wala na akong mapiga sa aking isip. “Jace?” Tawag sa akin ni willow habang papalapit ito sa akin, ang sarap pakinggan ng boses nito “Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala, kakain na tayo” Sabi nito sa akin,tumingin ako sa maganda nitong mukha at ngumiti, gumanti din ito ng ngiti sa akin. Umuwi kaming magkasama ni Willow at nang maka pasok kami sa kubo ay nakita kong puno ng aming hapag ng pagkain, may sweet & sour na isda, rice Crab and corn soup, ubas, at hinog na mangga, umupo ako agad sa upuan at nagsimula ng kumain, napaka sarap ng luto nito, napaparami ang kain ko araw araw dahil sa masasarap nitong luto, pakiramdam ko nga ay tumataba na ako. Nang matapos kaming kumain ay lumabas ako sa kubo at naupo sa may upuan sa ilalim ng puno ng mangga, napaka lamig at napaka presko ng hangin dito,maya maya ay lumabas si na din si willow mula sa kubo at naupo sa may bakanteng upuan malapit sa akin, tumingin ako dito, napaka hinhin nitong gumalaw, nagtataka ako dahil wala akong nakitang ibang tao dito maliban sa kanya “Wala kabang kasama sa lugar na ito?” tanong ko ng hindi na ako makapag pigil “Meron sa banda roon” Turo nito sa unahang bahagi ng bahay, napa taas ang aking kilay dahil mga puno at tamin lamang ang nakikita ko sa tinuro nito “May limang kubo doon at may mga naka tira din” Dagdag niya “Ah, ganun ba? Wala kasi akong nakikitang tao dito bukod sa akin” Sabi ko sa kanya, ngumiti ito. Kinabukasan ay tinuruan mangisda gamit ang pana, namangha ako ng makita ang galing niya sa pag pana, bawat tira nito ay may nahuhuli itong malaking isda “Galing ah” Mangha kong puri dito, ngumiti lang ito sa akin “Dito kaba lumaki?” Tanong ko dito habang naglalakad kami pa uwi sa kubo “hindi, pero mas gusto kong tumira dito kesa sa lugar na kinalakihan ko” sabi nito sa akin habang naka ngiti, dahan dahan kaming dumaan sa malalaking bato na naka latag sa pagitan ng dalampasigan at kubo na tinitirhan namin ni willow, Tumapak si willow sa isang mataas at malapad na bato, sumunod naman ako dito, nakatayo na ako nang biglang may dumaan na ipis sa harapan ni Willow kaya napatakbo ito sa akin ngunit di sinasadyang ma dulas ito, at natumba sa direction kung saan ako naka tayo, hindi ko agad ito nasalo dahil sa dala kong balde at pana kaya't napa luhod ito sa harapan ko at napasubsob ang mukha nito deretso sa alaga ko, napakapit ang mga kamay nito sa mga hita ko, agad na nag init ang aking katawan at naramdaman kong sumikip ang aking pantalon. napahawak ito ng sobrang mahigpit sa aking mga hita habang namimilipit ito sa sakit dahilsa pagkaluhod. sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa aking hita ay pakiramdam ko parang dudugo ulit ang sugat ko dito “Aaaahhh” napa ungol ako sa sakit “Dyos ko” Narining naming sabi ng isang boses ng babae, napalingon kami sa pinanggalin ng boses, Isang may edad na babaeng na katayo sa di kalayuan na parang nabigla, agad itong tumalikod “Sorry iha kong naistorbo ko kayo sa ginagawa nyo ng boyfriend mo, sige, ipagpatuloy nyo na at akoy aalis na” Sabi ng babae, Kumunot ang noo ni Willow sa sinabi ng ginang halatang hindi niya ito naintindihan kayat tumingin ito sa harapan ko at agad na namilog ang kanyang mga mata ng makita ang malaking umbok sa aking harapan saka niya lang naintindihan kung ano ang tinutukoy ng babae, agad na namula ang buong mukha ni Willow “w-wala po ka-kaming ginagawa” Utal na sabi ni Willow sa babae habang tinutulungan ko itong tumayo “hy naku iha, naranasan ko na iyan, kaya't huwag kanang mahiya” Pilya nitong sabi at ngumiti, mas lalo pang namula ang mukha ni willow sa sinabi nito “sige na, ipagpatuloy nyo na iyan” kilig na sabi ng babae habang naglakad ito papalayo sa amin, tumingin ako kay willow, namumula pa din ang mukha nito, ngumisi ako sa kanya “Ba't namumula ka? Dahil ba nahalikan mo ang alaga ko? Malaki ba?” Pilyo kong tanong dito na mas lalo pa nitong ikinapula “Shut up” Inis nitong sabi sa akin, tumawa ako sa itsura niya, agad ako nitong tinalikuran at nag lakad pabalik sa kubo ng nakasimangot, ngumiti ako, ang cute nitong mainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD