Chapter 54- The VIP customer

1506 Words

"Nanay! Nanay!" Halos sabay na wika ng kambal nang makita siya sa may waiting area ng school ng mga ito. Niyakap agad siya nng mga anak nang lumapit ang mga ito sa kanya. Katatapos lamang ng klase ng mga ito ,sinorpresa lamang niya ang mga bata.Ang akala kasi ng kambal ay si Mang Noel ,ang traysikel driver lamang ang susundo sa mga ito. "Ano po iyan nanay? "Tanong sa kanya ni Bella nang makita ang plastic bag na hawak niya. "Ito ba?Pansit ito anak,binili ni Nanay para sa inyong dalawa ni Zyon at para kay Lola Natty na rin." aniya sa dalawa.Hawak niya ang isang kamay ni Bella habang si Zyon naman ay nasa tabi ng kambal.Si Mang Noel ay nakaabang sa labas ng campus,ito naman lang palagi ang taga hatid sundo ng mga bata kaya pati si Mang Noel ay hindi na rin iba ang tingin sa kambal.Parang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD