"Aba'y apo? Hindi ko inaasahan na kayo ay darating ngayon! Pasensya na talaga at hindi man lang ako nakapagluto ng meryenda.Hindi ka man lang kasi mag message sa akin sa telegram o sa w******p ko!"Nag-aalalang sambit ng kanyang Lola Natty nang makita sila ni Adrian na papasok sa loob ng villa ng mga Mondragon. Biyernes ngayon , saktong wala siyang pasok kaya makakabiyahe sila ni Adie patungo sa Zamboanga.Sa linggo ang balik nila dahil may pasok na naman siya sa lunes.Nakaalis na rin siya sa resort at sa bagong bahay na binili umano na sila nakatira bilang mag-asawa.Live in ,yun ang tamang termino sa pagsasama nila ng nobyo. "Okay lang La.Busog pa naman kami ni Lia.Kayo po ba'y kumain na?" Sambit ni Adie habang inilalagay sa loob ng ang dalawang plastic na puno ng groceries. "Oo, kanina

