"Lia,bakit titig na titig sa'yo si Madame?" tanong ni Ma'am Yolly sa kanya Nakatayo siya sa tabi nito ,wala nang masyadong customers sa oras na iyon kaya nakakarelax sila.Nakasanayan na rin niya ang ganitong trabaho,ang pagiging waitress.Sembreak na nila ngayon at sa susunod na linggo pa ulit ang pasukan.Tapos na rin ang kanilang midterm kaya mas nakakatulon na siya sa restaurant.Si Adrian ,kahit wala ito ay araw araw naman siyang nagiiwan ng voice messages para sa lalake.Pinapaalala niya sa nobyo kung gaano niya ito kamahal at pinagkakatiwalaan.Sigurado na kapag babalik ito at mabubuksan na ulit ang cellphone ay makikita nito ang mga mensahe niya Nagpapadala pa nga siya ng litrato niya,parang diary niya si ang messenger niya dahil araw araw ay kinakausap niya ang nobyo kahit na siya lang

