Chapter 1

1601 Words
Magdalene's point of view Sinubukan kong kalmahin ang aking sarili, hindi pwedeng pangunahan ako ng emosyon ko. I need to stay sharp. “Excuse me, miss? What are you doing here?” Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lamang may nagsalita sa aking likuran, dahan dahan akong pumihit para harapin ito. Tiyak kong narinig ng mga tao sa loob ang sinabi ng babaeng kasama ko ngayon, bigla na lamang nanahimik ang kabilang panig. Inayos ko muna ang aking sarili. Nanlalamig pa rin ang mga kamay ko at bahagyang nanginginig, pero pinilit kong i-extend iyon para ipakita ang respeto ko sa kausap. “Magdalene Sarmiento, ma’am. I was informed by HR that the newly appointed CEO requested for an audience with me.” Pagpapakilala ko at pag-imporma na rin sa sinadya ko dito. “You're Miss Sarmiento?” Bahagyang tumaas ang isang kilay nito, pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng pagkailang sa ginawa nito, para bang suspect ako sa isang krimen at masugid na sinisiyasat. “Yes, ma’am.” Huminga ito ng malalim. “Kung gano’n ay anong ginagawa mo na nakatayo ka lamang d'yan sa pinto? You should've knocked and made them aware of your presence.” “Gagawin ko na po sana ‘yon nang bigla kayong dumating at kinausap ako.” Pangangatwiran ko. Hindi ko sasabihin ang totoong dahilan kung bakit nanatili akong tahimik at walang ginawa nang mga ilang sandali na nakalipas. Kumatok ang babae ng mahina sa pinto para tawagin ang atensyon ng sinumang nasa loob, paraan na rin para humingi ng permiso sa pagpasok namin. Matapos kasing gawin iyon ay marahan nitong binuksan ang pinto, bumungad sa amin ang dalawang taong mayroong dominating aura na nakaupo sa isang parte ng opisina na kung hindi ako nagkakamali ay receiving area. Malawak ang opisina, may kanya-kanyang section, bagay na hindi maipagkakailang mataas na tao ang nagmamay-ari nito. Agad na hinanap ng mata ko ang lalaking narinig ko kanina, mukhang pareho kami ng plano ng mga oras na ‘yon. Nagtama ang mga mata namin, walang gustong bumitaw. Naputol lamang ang titigan contest namin nang tumikhim ang kaharap nitong babae upang kunin ang atensyon naming lahat. Kilalang kilala ko ang mataray na mukha nito, ito lang naman ang palaging nagbibigay ng counseling session sa akin dahil sa sunod-sunod kong bad records, the HR Manager herself— Attorney Karsen Viernes. “Thank you, Wilde.” Baling ng ginang sa babaeng nagpapasok sa akin dito sa loob, nagpasalamat lang ako dito bago ito tuluyang lumabas at iwan kaming tatlo. “Miss Sarmiento, please take a seat.” Utos ni Miss Karsen sa akin, nagda-dalawang isip man ay naglakad ako palapit sa kinaroroonan ng mga ito. Ngunit bago pa man ako makalapit ay muli akong natigilan. Ngayong nakikita ko sa mas malapitan ang lalaki ay mas lalong nagiging pamilyar ang bulto nito. “Did we meet before?” Tanong ko na maging ako ay nagulat, hindi ako gumamit ng honorary remark. Nagmukha tuloy na kapitbahay ko lang ang lalaki. “Take a guess,” he smirked. Gusto kong sunggaban ito at talakan, pero kinalma ko ang aking ulo at pilit pinapaalala na boss namin ito. “Pamilyar ka sa akin pero hindi ko matandaan.” Sumilay ang ngiti sa mga labi nito, para bang natuwa sa kaunting impormasyong nakuha sa akin. Ngayong nag-uusap kami at nagpapalitan ng salita, mas lalong lumalakas ang hinala kong ito ang lalaki sa aking panaginip. “That would be a problem, we will be working together from now on. You should familiarize yourself with me,” he brazenly said. “Enough, Mr. Arcé.” Singit ni Miss Karsen sa amin, mukhang hindi na matagalan ang paghuhulaan naming pareho. Naging pormal na rin ang pag-uusap ng dalawa. “Arcé?” Naguguluhang tinitigan ko ang lalaki, now he looks more familiar. Napasinghap ako nang mapagsino ang aking kaharap. “Y-you’re Heath Arcé?” Kinakabahang anas ko. Mas lalo namang lumapad ang ngiti ng lalaki. “The one and only. Did you miss me, Magda?” Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa aking katawan, nanghihinang napaupo ako sa isang single sofa na naroon. “Anong ginagawa mo rito? Bakit ka narito?” Sunod-sunod na tanong ko. Bakit narito ang lalaking matagal ko nang tinatakasan? Ang lalaking naging sanhi ng mga pangit kong karanasan noon. “What do you think? You run away from me, I have no choice but to follow you. You can't run away from me, Magda.” Kinilabutan ako at pinagpawisan ng malagkit nang marinig ang pamilyar na linyang iyon, narinig ko na iyon na sinabi ng lalaki sa panaginip ko. But I’m sure as héll that Heath didn't harass me in that way. “You obsess freak!” Singhal ko rito na tinawanan lang naman nito. “Mind your manners, Miss Sarmiento. He might be young but he is the newly appointed CEO,” suway sa akin ni Miss Karsen. Mabibigat ang paghingang masama ang tinging ipinukol ko sa lalaki, mukhang hindi naman nito alintana ang reaksyon ko at parang nag-eenjoy pa. “I-I’m sorry, ma’am.” Paghingi ko ng tawad. “Seriously, hindi ka sa ‘kin dapat humingi ng tawad kundi kay Mr. Arcé.” I turned to look at the man who seemed not bothered at all. “Forget it, Miss Karsen. Miss Sarmiento and I are childhood friends, kailangan lang nito ng kaunting time para makapag-adjust.” “But still whether you're friends or not, Miss Sarmiento should learn to practice respecting you in every professional setting.” “Let it pass, Miss Karsen. For me, please?” Nilambingan pa nito ang boses, akala mo’y makukuha ang lahat sa ka-gwapuhan nito. “If you say so,” pagpapaubaya ni Miss Karsen. Napailing na lang ako sa aking isipan nang marinig ang sagot ng ginang. Pretty privilege. Kapag talaga maganda o gwapo ay mayroong advantage sa maraming bagay lalo na sa corporate world. “Thank you, Miss Karsen. Tatanawin kong utang na loob ito sa ‘yo.” Lihim akong napairap kay Heath, sobrang OA para maging malaking utang na loob iyon. “It’s getting late, let’s discuss the matter regarding Miss Sarmiento’s dismissal.” “Dismissal? Bakit ako madi-dismiss? Wait, mayroon pa akong natitirang isang warning bago tuluyang ma-dismiss.” “And you are proud of your violations, Miss Sarmiento? How amusing,” sarkastikong baling sa akin ni Miss Karsen. Napapahiyang yumuko na lamang ako. Mayroon pa akong isang chance para ayusin ang mga bad records ko, paanong dismissal na agad ang pag-uusapan namin? Kagagawan ba ‘to ni Heath? Sinamaan ko ng tingin ang lalaki, hindi naman iyon nakaligtas dito at lihim na ngumisi sa akin. Nag-iinit ang ulo ko. “Huwag kang masyadong mag-alala, Miss Sarmiento. Bibigyan ka pa namin ng chance, sabi mo nga ay mayroon ka pang natitirang isang warning.” Pinagdiinan pa talaga ng lakaki ang isang warning na sinasabi. “If that's the case then thank you, sir.” “Instead of terminating you na pwedeng maging bad record mo in the future at mahirapan kang makahanap ng trabaho ulit. We decided to reassign you,” wika ni Miss Karsen. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba, parang nahihinuha ko na ang nangyayari. “You heard it right, Miss Sarmiento. Your new assignment will be under me,” itinuro pa ni Heath ang sarili. Ako naman ay parang tumigil ang ikot ng mundo ko. I'm going to serve under him? “T-teka lang po, parang hindi naman tama ‘to. Naiintindihan kong ire-reassign ako bilang punishment sa mga violations ko, pero hindi po ba kalabisan sa ibang empleyado na ma-reassign ako under the CEO’s supervision? Hindi po punishment iyon, parang promotion pa nga.” Ang iba marahil baka nagtatatalon na sa tuwa dahil ang punishment na natanggap nila ay parang promotion. But not me, ayokong mag-trabaho under ni Heath, for me that's torture. “That's exactly what I said to Mr. Arcé, but he seemed determined in taking you under his wing. Nakaisip naman na kami ng paraan para hindi ito maging malaking issue.” Gusto kong matawa sa tinatakbo ng usapan, para lang namang isinasampal sa akin na makapangyarihang tao sila at kaya nilang paikutin ang lahat gamit ang kung anong mayroon sila. “But what about my opinion on this matter, Miss Karsen?” Si Miss Karsen ang binalingan ko, mas may sense itong kausap kaysa sa lalaking obsess sa akin. “Your opinion on this matter is the least of our priorities, Miss Sarmiento. Ikaw ang ginagawan namin ng pabor, hindi kami ang ginagawan mo ng pabor.” Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Mukhang wala na akong magagawa at napag-desisyunan na nila ang lahat ng ito bago pa ako ipatawag. “Pardon me. I have a meeting to attend to, babalik ako maya maya pagkatapos ng meeting ko.” Paalam ni Miss Karsen. Nang makaalis ito ay nabalot ng katahimikan ang paligid, masama ang tinging ipinukol ko kay Heath. Amuse na amuse naman ito sa akin. “I told you to stop obsessing over me,” mariin kong saad. “And I said that I won’t. As promised, I will follow you wherever you go. You can't just escape from me, Magda. We’re bound to be together, remember?” Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa itong bumulagta sa sahig, hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang matinding obsession nito sa akin. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit sobrang pamilyar ng aura nito pati boses sa lalaking nasa panaginip ko. Gulong gulo na ang utak ko, parang mahahati kapag walang nahanap na kasagutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD