Chapter 12

1074 Words
Magdalene's point of view Minsan may mga panaginip talaga tayong parang totoo. Ramdam natin iyong kaba, bigat, at sakit na nangyari lang sa isang mundo na nilikha ng ating imahinasyon. “Do you need help?” Tanong ni Heath. Napansin siguro nito ang pagtulala ko at kawalan ng imik. “Why do you keep on following me wherever I go, Heath?” I want to know where his obsession lies. “Simple. I want you, Magda.” Simula pa noong una ay vocal na ito sa obsession sa akin, but all he keeps on saying is I want you. What does he want from me? Ako ba mismo? O mayroon itong gustong makuha sa ‘kin? “What do you want from me? My body? Gusto mo lang ba akong matikman, pagkatapos ay titigilan mo na ako?” Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob, siguro gusto ko lang talagang malaman kung ano ang gusto nitong makuha sa akin. “Bakit magpapatikim ka ba?” Nag-angat ito ng tingin, natatarantang nag-iwas naman ako. “Gusto ko lang malaman kung ano ba ang kailangan mo sa akin, hindi kasi normal na ma-obsess ka sa isang tao ng walang dahilan.” May kinalaman kaya ang mga panaginip ko sa obsession nito? “Forget it, Magda. Kahit naman malaman mo kung bakit gano'n na lamang ang obsession ko sa ‘yo, kapag sinabi ko ba ang gusto kong makuha sa ‘yo ay ibibigay mo?” “Depende sa hihingin mo,” kinakabahang na sagot ko. “Hindi mo kayang ibigay. Hindi pa sa ngayon.” Tanging tugon nito. Para bang siguradong-sigurado na hindi ko kayang ibigay kung ano man ang gusto nito. “Tungkol ba ito sa pera?” Pera lang naman ang hindi ko kayang ibigay rito, iyon ay kung material things ang pinag-uusapan namin. “I’m rich. I have enough money, I don't need those little coins of yours.” Tama. Barya lang para dito ang pera na mayroon ako, kung gayon ay hindi pera ang kailangan nito sa akin. Napalunok ako. Namamawis ang mga kamay sa susunod na tanong ko. “Is it séx?” Tinawanan lang ako nito. Ang lalaki sa panaginip ko ay iyon ang hangad na makuha sa akin, kung ito ang lalaking 'yon ay baka nga iyon ang gusto nitong makuha. Pinasadahan ako nito ng tingin. “Maganda naman ang katawan mo, pwede nang tiyagain. Pero kung séx lang ang gusto ko, sana noon pa ay sinunggaban na kita.” “Then what?” Frustrated na angil ko. Gulong-gulo na ako, hindi ko mapag-connect connect ang mga pangyayari pati ang nasa panaginip ko. “Galit ka ba dahil hindi séx ang habol ko sa ‘yo? O dahil hindi ka attractive sa paningin ko?” Nag-init lalo ang ulo ko. Ang kapal nito, akala mo naman ay may gusto ako rito. “Fyi, ayoko ring makipag-séx sa 'yo no? Lalo namang hindi ka attractive para sa akin.” Umismid ako. “Then what's the problem? Bakit kanina ka pang panay ang tanong kung ano ang gusto ko sa ‘yo? Hindi ba’t tinakbuhan mo pa ako dahil sa obsession ko, bakit bigla ka yatang nagka-interest sa mga gusto kong gawin?” “Kasi gusto ko nang mawala ka sa buhay ko!” Tama, iyon naman talaga ang gusto ko. Napapagod na akong takasan ito, kasi kahit anong takas ang gawin ko ay nahahanap at nasusundan pa rin ako nito. “Hindi mangyayari 'yon, Magda. Hangga't humihinga pa ang kahit na sino sa ating dalawa, magiging tinik ako sa buhay mo.” “May sira kana nga yata talaga sa ulo,” pasaring ko. Kung wala ay bakit gano'n nalang ang obsession nito sa akin? “You can say that. Baka totoong nababaliw na ako sa ‘yo, iyon naman ang gusto mo 'di ba?” Kumunot ang noo ko. Nagtatanong ang tinging tumingin dito. “Kailan ko sinabing gusto ko na mabaliw ka sa ‘kin?” “Hindi mo na matandaan? Too bad. Akala ko ay pareho tayo ng tinatahak na landas, I guess lumiko kana at iniwan ako sa daang ipinangako natin sa isa't isa.” “Nananaginip ka pa rin ba?” Sinalat ko ang noo nito, wala naman itong lagnat. Sigurado rin akong hindi ito gutom, kakakain nga lang namin kaya magkaharap lang kami. “Huwag kang humiling ng pagsisisihan mo.” Mas lalo akong naguluhan sa mga katagang lumalabas sa bibig nito, maraming meaning na pwedeng maging interpretation. “Wala akong hinihiling, tinatanong ko lang kung nananaginip ka. Ang labo kasi ng mga sagot mo sa akin.” “Just listen to me, Magda. If I have to break your legs to stop you from running away, I'll gladly do it. Do what I say and act on my own terms, only that way I can keep you safe from me.” Kinilabutan ako sa mga sinasabi nito. Kapag hindi ako nakinig dito at sinubukang tumakas ulit, kaya ba talaga nitong baliin ang mga paa ko? Pino-protektahan ako nito sa sarili nito mismo? “You remind me of someone,” wika ko. Someone na palaging laman ng panaginip ko. “I know. Hindi lang ako ang obsess sa ‘yo, hindi ba? May nauna pa, mas kaya nitong saktan ka.” Hindi naman nakakapanakit ang panaginip, pero pwedeng hindi na ako magising isang araw. Pareho lang na nakakatakot, ito at ang tao sa panaginip ko. Parehong tinik sa lalamunan kong kahit anong pilit kong hugot ay lalong bumabaon. “How did you know that? Paano mong nasasabi 'yan?” But the fact na parang may idea ito sa panaginip ko, I have to find out the truth. “Just a guess. Sa mga tanong mo araw araw, you're not hard to read. Para kang isang bukas na libro, sinasabi lahat ng tumatakbo sa isip mo. May isang lihim ka lang itinatago, lihim na takot kang harapin, lihim na gustong gusto mong takasan.” “Who am I to you, Heath?” Sino nga ba ako? Sino ako para dito? Am I only the Magda that people used to know, or maybe, there's something more to me that I don't know? “You're Magda. My Magda,” he muttered. That gives me creep. He said it like he owned me, and no one else could steal me away from him. Kahit sabihin kong hindi ako nito pag-aari, hindi rin nito tatanggapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD