Elvis
"Ano nakita mo ba?" Pagtatanong sa'kin ni Faye.
Kasalukuyan kaming naririto sa main gate ng school. Tinulungan niya kasi akong hanapin ang pin ko na nokng isang araw pa nawawala.
Pagkatapos kasi ng gulong nangyari rito sa gate ng school. Lahat ng mga estudyanteng hindi pumasok sa klase nila noong araw na 'yon ay dinala sa detention. Ang sabi sa'kin ni Jade, lahat daw sila binigyan ng punishment. Iyon ay ang tumakbo ng limang beses sa oval nitong school.
Iniimagine ko pa lang, nakakapagod na. Paano nalang kaya yung mga dahilan ng gulo 'di ba? Wala akong balita tungkol sa kanila. Pero sa pagkakaalam ko ay pinapatawag ang mga magulang nila. Dahil sa gulong ginawa nila rito sa harap pa mismo ng gate nitong school.
"Hoy! Ano? Tulala ka d'yan?" Untag sa'kin ni Faye. Kinaway-kaway pa niya ang kamay niya sa harapan ko. Para masiguradong nakatingin ako sa kaniya.
Umiwas naman ako sa ginagawa niya at nagsimulang maglakad papabalik sa opisina namin.
"Hoy! Ano aalis ka na?!" Rinig kong sigaw niya sa'kin
"Wala naman d'yan ang hinahanap natin eh." Inis na sagot ko.
Kanina pa kasi namin hinahanap yung pin, kaso halos abutin na kami ng dalawang oras dito. Wala pa rin kaming pin na nakukuha. Kailangan ko kasi yun kasi iyon ang pin namin as student committee officers. Hindi ko pwedeng maiwala yun dahil tiyak na papagalitan ako ni Mikaela.
Namimingot pa naman yun ng tenga. At ayaw na ayaw kong gawin niya sa'kin yun. Katulad ng parati niyang ginagawa kay Jade sa tuwing naiinis siya rito.
"Tama ka nga mukhang wala nga rito. Kanina pa tayo naghahanap eh. Pagod na rin ako," pag-sang-ayon niya naman sa sinabi ko.
Akala ko pa naman ay pipilitin niya akong maghanap ulit. Knowing her, may pagkamapilit pa naman siya. Hindi naman sa mapanghusga ako. Pero sa ilang buwan ko na siyang nakasama as officer. Mahilig talaga si Faye na mamilit ng mga tao. Lalo na kung pagdating sa mga bagay na gusto niya.
Naalala ko noong nasa opisina kaming anim kasama ang iba pa naming officer. Nakahiga noon si Jillian sa sofa dahil inaantok na raw siya. Si Killian ang isa sa mga student committee officer na kasama namin. At dahil pagod rin si Faye dahil sa kakagawa ng mga reports niya. Pinaalis niya si Jillian sa sofa, pero dahil matigas ang ulo ni Jillian. Halos lumuhod na ata si Faye sa harapan niya para lang mapilit niyang paalisin si Jillian. Which is, napagtagumpayan naman din niya.
"Ayan ka na naman eh! Tulala ka naman!" Rinig kong muling reklamo ni Faye. Tuluyan naman akong natawa dahil sa maliit na boses niya.
"Sorry, I'm just wondering where my pin is." I lied. Ayoko namang sabihin sa kaniya na tungkol sa kaniya ang iniisip ko. Baka isipin niya pang pinag-iisipan ko siya ng kung ano-ano.
"Wala ka bang naalala noong nangyaring gulo?" Kinunutan ko naman siya ng noo.
"Maliban sa nasuntok si Jade at may humila sa damit ko. Wala na akong ibang maala— wait!" Malakas na pagkakasabi ko. Dahilan para magulat si Faye sa nangyari
"Ano ba yan! Huwag ka ngang sumigaw!" Inis na pagkakasabi niya at bahagya pa itong lumayo sa'kin
Natawa naman ulit ako sa naging reaksyon niya. "I'm sorry, I just remember something."
"Oh talaga? Ano naman?" Excited na tanong niya
"Maybe I didn't drop it. Maybe someone have it," I concluded. Siya naman ngayon ang kumunot ang noo
"Ewan ko sayo Elvis! Hindi kita magets."
Napailing naman ako, saka ngumiwi sa kaniya. "Hindi ko naman sinabing intindihin mo. Sinasabi ko lang na baka may nakakuha no'n. Hindi ko lang napansin."
"Eh sino naman? Ang dami kayang estudyanteng nandu'n. 'Wag mong sabihin na iisa-isahin mo sila, para lang mahanap yung pin mo?"
I shake my head. "Hindi. Ang ibig kong sabihin, baka kamo yung humila ng damit ko ang nakakuha ng pin ko. " Paliwanag ko naman.
Naalala ko kasi noong sinusubukan naming awatin yung dalawang taong halos magpatayan na. Aksidenteng nasuntok ng isang lalaki si Jade, dahilan para muntik ng mapaupo si Jade sa damuhan. Mabuti nalang at nahawak ko yung isa pang lalaki. Akala ko nga ay tapos na dahil kaagad ding lumapit sina Mikaela at Faye para tulungan kaming dalawa ni Jade. Pero laking gulat ko ng hinila ng lalaking sumuntok kay Jade ang unipormeng suot ko. Saka ako walang sabing itinulak dahilan para mapaupo ako sa damuhan.
"Ibig sabihin, baka hindi lang damit ko ang nahawakan niya kundi pati ang pin ko." Pagpapatuloy ko sa senaryong nasa isipan ko
"Eh kung nahawakan niya bakit hindi napunut yang uniform na suot mo?" Puno ng pagtataka ang mukha niya habang seryosong nakatingin sa uniporme ko.
Tama nga naman. Mapupunit naman talaga 'tong uniform ko pag may sapilitang kumuha ng pin ko. Pero malay niyo rin 'di ba? Siguro basta nalang itong natanggal. I don't know how, but the only answer to that is to meet that guy.
"I'll head back first. Salamat sa pagsama sa'kin!" Pagpapaalam ko kay Faye. 'Tsaka ako tumakbo patungo sa clinic. I guess he's there. I don't know but my intuition just tell me he's there.
Walang lingon likod akong tumakbo patungo sa clinic. Rinig na rinig ko pa ang pagtawag ni Faye sa pangalan ko. Ngunit imbes na pansinin siya ay nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo.
Kailangan kong makuha 'yon. Mahalaga yun sa'kin, hindi lang yun basta-bastang pin para sa'kin. Kahit pin lang yun, pwedeng palitan ng bago. Para sa'kin ay hindi lang yun basta-basta. Kahit gaano pa yun kaliit, may malaking halaga yun sa'kin.
I don't know if you already know this. But I'm a sentimental person. Everything that is handed or given to me has a special place in my heart.
Ilang sandali ay hingal na hingal akong huminto sa harap ng clinic. Ilang ulit pa akong huminga ng malalim. Bago ko naramdaman ang mahinang pagtibok ng puso ko. Kaya walang paalam kong binuksan ang pintuan. Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng makita ko ang dalawang tao na kasalukuyang nakaupo sa kani-kanilang higaan.
Kapwa silang dalawa ay seryosong nakatitig sa'kin. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko. Nang muli kong maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Wala tuloy sa sariling tumalikod ako sa dalawang lalaki na nakatingin sa'kin. Saka ako paulit-ulit na huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Relax Elvis. Relax, hindi ka nila sasaktan. Mga schoolmates mo sila, wala kang kinalaman sa mga nangyari sa kanila." Pagpapakalma ko sa sarili ko. Hindi ko nga lubos maisip kung saan ko nakuha ang ideyang hindi nila ako sasaktan.
Kung tutuusin ay hindi naman ako takot sa kanila eh. Pero ewan ko ba at bakit ako kinakabahan ngayon.
"Hey! Ikaw! Ano'ng ginagawa mo rito?" Tawag sa'kin ng isa sa kanila.
Bahagya pa akong napaigtad dahil sa gulat at sa lakas ng boses nitong pagtawag sa'kin.
For the last time, I take a deep breathe. Saka ko sila muling nilingon. Bahagya pa akong yumuko, at kaagad ding inangat ng ulo ko. At matapang na tiningnan ang lalaking tumawag sa'kin kanina.
"Tinatanong kita, ano'ng ginagawa mo rito? 'Di ba isa ka sa mga lintek na officers na umawat sa'min?!" Singhal niya dahilan para maigtad na naman ako sa gulat.
Pwede lang naman siyang kumalma. Ba't ba siya naninigaw?
"I was wondering if you—"
"You what?!" Pagsigaw na pagputol niya sa sasabihin ko.
" I'm just here to asked if you guys have find something during your fight?" Pagtatanong ko
Natawa naman yung lalaking sumisigaw kanina. Pansin ko naman ang pananahimik ng isa pang lalaki na nasa kabilang higaan. Hindi katulad ng lalaking kausap ko ngayon, may iilan lang siyang benda na nakalagay sa sarili niya. At iyon ay ang noo niya lang banda. Wala itong ibang suot na pang-itaas na damit bukod sa kulay itim niyang jeans. Kitang-kita tuloy ang magandang hubog ng katawan niya.
"Like what you see?" Nagulat naman ako ng bigla itong magsalita. Pero ang mas ikinagulat ko ay bigla siyang pagngisi habang seryosong nakatingin din pala sa'kin.
Mabilis ko namang iniwas ang mga mata ko sa kaniya. Nang mapagtanto kong kanina ko pa pala siya tiningnan —no! Perhaps his perfectly built body.
What the hell I'm thinking?! Pin ang ipinunta ko rito. Hindi ang tumingin sa mga hubad na katawan ng mga estudyanteng nandito.
I shake my head upon the thought of these two guys. Who's sitting in their beds, topless.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Mabilis naman akong napalingon sa lalaking nagsalita. Siya iyong kaninang mahilig sumigaw. Akala mo naman bingi ang kausap niya.
Halos kumislap naman ang mga mata ko ng makita ko ang hawak-hawak niyang pin. Mabilis pa sa alas kwatro akong lumapit sa kaniya. Para sana kunin ang pin ng bigla akong mapahinto dahil sa sinabi niya.
"U-huh? Not that fast, pretty boy." Nakangising saad niya. Saka walang sabing inihagis sa lalaking tinitingnan ko kanina ang pin na hawak niya.
Kusa namang napaawang ang bibig ko ng makita kong nagawa niya itong saluhin. Saka siya malokong ngumiti sa'kin habang itinataas niya ang pin ko na hawak-hawak na niya.
"You want this?" Parang tangang tumango naman ako. "then get it from me." He added while smirking.
Akamang hahakbang na sana ako papalapit sa kaniya ng maalala ko kung sino ang mga 'to. I stopped, as I stared at the both of them. With both my eyes eyeing them suspiciously. I scoffed.
"You guys are playing with me, are you?" Nagkatinginan naman silang dalawa. Pero ang tanging tumango lang ay yung lalaking may hawak ng pin na may malawak na ngisi sa labi niya. What's wrong with this lad?
"I'm not interested," puna naman no'ng lalaking tumawag sa'kin kanina. "I'm leaving, I'll see you around Damiel," paalam nito at saka bumaba sa kama niya. Kinuha niya naman ang damit na nakalagay sa sofa malapit sa kama niya. Saka walang alinlangan itong isinuot. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kaniya dahil sa ginawa niya.
"You shy?" Taas kilay nitong tanong sa'kin.
Umiling naman ako.
"Hindi lang ako sanay," mahinang sagot ko. Halata namang narinig niya dahil narinig ko ang pagtawa niya.
"Just as I thought," wika niya. Saka naglakad papalapit sa may pintuan. Sinundan ko naman siya ng tingin. Akala ko ay tuluyan na siyang aalis pero muli siyang lumingon sa direksyon ko at malawak ang ngiting ngumiti sa'kin.
"I'm William, that guy over there is Damiel," turo niya sa lalaking nakaupo pa rin sa kama niya. Habang nilalaro nito ang pin na hawak-hawak niya. Kukunin ko talaga yan mamaya!
Hindi naman ako umimik sa sinabi niya. Wala naman akong rason para kilalanin sila. Pumunta lang naman ako at nagbabakasakaling nandito sila at nasa isa sa kanila ang pin ko. Which is, hindi naman ako nagkakamali.
Tama nga ang sinabi ni Mama. Trust your instincts.
"I'll see you around, pretty boy." Huling sinabi niya bago siya tuluyang umalis.
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa loob nitong clinic. Kung saan ako nalang at ang lalaking pinakilala no'ng William na Damiel daw.
I was about to say something. Pero naunahan niya ako, dahilan para makagat ko ang labi ko at hinayaan siyang magsalita.
"You're one of the committee, are you not?" Tanong niya. Hula ko pa nga ay nakataas ang kilay nito dahil sa mataray na tono niya
Tumango naman ako. Saka matapang na sinalubong ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.
"What if I am? Susuntukin mo rin ako kagaya ng ginawa mo sa kasama ko?"
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mainis sa kaniya. Ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko ang pagngisi niya sa'kin. Gusto ko siyang sunggaban at sakalin.
"I don't punch pretty boys like you," mahina lamang ang pagkakasabi niya. Pero hindi iyon dahilan para hindi ko marinig ang mga salitang yun at maramdaman muli ang kabang kanina ko rin naramdaman.
"You mean?" I asked, trying to control my heart beating. Dahil maging ako ay hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang t***k ng puso ko.
"Hindi ka ba nagtataka king bakit hindi kami nag-away kanina ng kasama ko?"
Dahil sa sinabi niya ay napaisip naman ako bigla. He's right. Noong isang araw, silang dalawa ang nagsusuntukan sa harap ng gate ng school. Halos magpatayan na nga silang dalawa sa sobrang lutong nilang magmura. Pero bakit? Bakit parang iba ata naman ngayon ang nangyari?
"Oh, I bet you realize that early as I thought." Komento niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at hindi nagsalita.
"So you want this pin?" Muli naman niyang itinaas ang pin na hawak niya.
"Ibigay mo nalang yan sa'kin para makaalis na ako rito," walang ganang sagot ko na ikinatawa niya naman
"this is cute," saad niya at muling pinasadahan ng tingin ang pin ko na hawak niya. "can I keep this?" He asked sheepishly
Mabilis naman akong napailing at akmang lalapit sa kaniya ng pigilan ko ang sarili ko. Baka paglumapit ako. Ako ang susuntukin niya. Mahirap pa naman magtiwala, lalo na sa kapwa mo lalaki na parang may kung anong tinatagong galit sa'ming mga taga committee.
"That's mine to keep, not yours." May diing pagkakasabi ko sa kaniya.
Tumawa naman siya dahil dito. Pero kaagad din huminto at seryosong tumitig sa'kin.
"Then, should I give this back? In exchange.... I'll keep you. Instead of this...damn pin!" Medyo napalakas pa ang boses niya sa huling sinabi niya.
"Lol! Dude. You're insane." Tanging lumabas sa bibig ko. Kahit ang totoo ay kinakabahan ako dahil sa biglang pagtaas ng boses niya.
"Then can you keep me sane?" He asked as he burst into laughter. Tangina!
"Hindi ako mahilig sa lalaki," walang ganang sagot ko na ikinatigil niya.
"What if I told you that I like men compared to women?"
I shrug. "It's your life not mine. Now give me my pin." May diing utos ko sa kaniya.
Buong akala ko ay hindi niya ito ibibigay sa'kin. At katulad ng kanina ay magmamatigas siya. Ngunit nagulat nalang ako ng umalis siya sa higaan niya at dahan-dahang naglakad patungo sa kinatatayuan ko.
He's holding the pin in his right hand. While his other hand is caressing the imprinted words on it. I sighed. Not because I'm getting bored while watching her. But because I can't help but to admit that I find him sexy doing that.
The hell! What am I even thinking?!
I fixed myself the moment he stop a way farther than I thought. Seryoso lamang siyang nakatitig sa'kin. Habang patuloy na nilalaro sa kamay niya ang pin.
"I'll give this back, only if you introduce yourself to me." He said almost a command for me.
I sighed.
"Elvis Costello, a secretary and part of the student committee officers." Pagpapakilala ko sa sarili ko. Nakita ko naman ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. Ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang ito. Saka ko inilahad ang kamay ko para kunin ang pin ko na hawak-hawak niya.
But to my surprise, he get a hold of my hand using his left hand. And just like how he caress my pin, in a calm and soft way. He also did the same to my hand. Making me flinch because of the weird feeling I felt in my stomach.
Jesus! What's this weird thing flying inside my stomach? Do I suppose to feel this or what?!
"Nice to meet you. Pretty boy, mine is Damiel Vicencio," he said huskily.
Mabilis ko namang binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Saka ko hinablot ang pin na nasa isa pa niyang kamay. Pero mukhang inaasahan niya na ata ang gagawin ko. Kaya hindi na rin siya nagulat at sa halip ay tumawa nalang siya ng marahan.
"Nice! You're fast." Puri niya. Pero hindi ko nalang siya pinansin at tinalikuran nalang.
Walang salitang naglakad ako patungo sa pinto ng clinic. Mabuti na lamang at wala na siyang ibang sinabi kaya dumeretso na ako sa paglabas habang mahigpit na nakahawak sa pin ko.
Sakto namang paglabas ko ay dumating si Faye na hingal na hingal.
"Elvis! Jusko! Sabi kong hintayin mo'ko eh!" Hingal na hingal na reklamo niya.
Hindi naman ako sumagot. Sa halip ay hinayaan ko lang siyang magsalita.
"Ano? Nakuha mo ba? Nasa isa ba sa kanila?" Sunod-sunod na tanong niya.
Tumango naman ako. At ipinakita ko sa kaniya ang pin na hawak ko.
"Nakuha ko na."
Tanging sagot ko. At hinila siya papalayo sa clinic.