Chapter 63 Elias Nahihiya rin naman ako natanggihan si Diana, kaya sinamahan ko ito kay Manong Andres. Nasa garahe si Manong Andres. "Manong? may ginagawa ka ba?" tanong ko sa matanda. "Wala naman po, Sir. Bakit po?" tanong naman ito sa akin. "Pwede samahan mo si Diana? May bibilhin lang siya sa labas, kaya kung maari sana ipag-drive mo siya," sabi ko kay Manong. "Oo, naman Sir. Ano po ba ang sasakyan na gagamitin ko?" tanong sa akin ni Manong. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha ni Diana, subalit hindi ko siya pwedeng samahan,nbaka kung ano ang isipin ni Ravena. "Gamitin niyo na lang ang pick up," sagot ko kay Manong at bumaling ako kay Diana. "Pasensya na Diana, kung si Manong muna ang sasama sa'yo. May kailangan pa kasi kaming pag-usapan ng asawa ko," seryoso kong sabi ka

