Chapter 25 Ravena "Sinabi na rin siguro sa'yo ni Mandy, ang nangyari. Babe, mahal kita. Hindi ko sinasadya na magpakasal kay Mandy. Ikaw ang mahal ko at ikaw ang gusto kong makasama. Sa papel lang naman kami kasal ni Mandy. Maniwala ka hindi kami nagsasama sa iisang silid. Kapag nakalakad na ako uuwi na ako ng Pilipinas. Magpapa-annul kami ni Mandy," sabi pa nito sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil sa naging sitwasyon naming tatlo? "Hindi ganoon kadali iyon, Jack. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may kaya pala kayo? Na ang pinapasukan mong trabaho ay pag-aari pala ng pamilya niyo? Hindi mo ba alam kung paano ako lumuhod sa mga magulang ko para lang humingi sa kanila ng tulong noon para matulungan ka sa pagpapagamot sa'yo? Subalit insulto lang ang naransa

