Chapter 20 Ravena Dumating kami sa party ni Elias. Isang weeding anniversary ng lokal dito sa Thailand ang dinaluhan namin. Naggagandahan din ang mga dalaga at nagwagwapuhan ang mga kalalakihan sa mga kasuotan nila. Ngayon lang ako ulit nakarating sa mga ganitong okasyon. Hindi kasi ako mahilig sumama kina Mommy at Daddy, para dumalo ng mga party. Bukod sa nabo-boring ako hindi naman ako palakaibigan. Minsan nga ipakilala sana sa akin ni Daddy ang kaibigan niya na gusto niyang ipakasal sa akin subalit hindi ako sumama. Dito ginanap sa isang sikat na hotel dito sa Thailand ang wedding anniversary ng mag-asawang Thailander. Halatang mga sosyal ang mga bisita. Bukod sa magaganda nilang gown na suot ay hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang mga kumikinang nilangmga alahas na mamaha

