Chapter 70 Ravena Dumating kami ni Mandy sa hotel. "Napakaganda naman ng hotel na ito. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong hotel," sabi pa nito sa akin at hindi maiwasan na hindi siya mamangha sa istruktura ng hotel at sa mga disenyo nito. "Pansamantala dito muna tayo. Hayaan muna natin ang mga asawa natin. Hali ka doon tayo sa penthouse ko," aya ko sa kaniya. "Penthouse mo? May penthouse ka sa hotel na ito?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Mandy. Tumango ako sa kanya at ngumiti habang patungo kami sa exclusive elevator. Mamaya ko na lang tawagan si Joanna na magkikita kami mamaya dito sa hotel. O hindi kaya puntahan ko na lang siya sa room niya. Narito din kasi siya sa hotel dahil dito ko siya pinabook kahapon. Ako mismo ang nag-book sa kanya. "Hindi ba ang may-ari lang n

