Chapter 15 Ravena Kasalukuyan nagtutupi ako ng aking mga damit. Nililigpit ko na ito dahil isang linggo na lang bababa na ako ng barko. Natapos ko na rin sa wakas ang kontrata ko ng anim na buwan. Dadaong ang barko sa susunod na linggo sa Thailand at doon kami bababa. Mag-eroplano lang kami pauwi ng pilipinas at sagot naman iyon ng kompanya. Dalawang buwan ang lumipas ng bumaba si Brian, ng barko. Mabuti na lang nakumbinsi ko siya na huwag sabihin kina Daddy at Mommy na dito ako nagtatrabaho sa cruise ship. Kinuha na lang ni Brian, ang number ko at binigyan niya naman ako ng calling card niya para kapag umuwi ako ng pilipinas ay makikita na lang kami roon. Excited na akong umuwi subalit dalawang buwan mahigit na wala na akong contact kay Mandy. Hindi ko matawagan ang cellphone nit

