Chapter 49 Ravena Nakipagtitigan ako ng ilang minuto sa security guard. Ayaw pa rin ako nitong papasukin sa pent house ko. Mukha ba akong hindi kapani-paniwala? Kamalasan nga naman! Tawag din sa akin ng tawag si Elias. Pinapatayan ko siya ng cellphone. Ayaw ko muna siyang kausapin. Ayaw ko ma-stress ng isang araw. Muli kong tinawagan si Brian, ngunit ang animal nakapatay pa rin ang cellphone niya. "Ma'am, bumaba na po kayo dahil bawal po kayo rito," sabi pa sa akin ng security guard. "Paano kung mapatunayan ko mamaya na ako ang may-ari ng hotel na ito at ng penthouse na iyan? Anong gagawin ko sa'yo?" naiinis kong pakikipagtalo sa security guard. "Ma'am, ginagawa ko lang po ang obligasyon ko. Kung may patunay lamang kayo na kayo ang may-ari nito wala pong problema. Mahigpit po a

