Kinabukasan ay late na ako nagising kaya naman dali-dali na akong naligo at nagbihis kailangan ko na kasing pumunta sa site namin. Doon sa ginagawa naming project. Nagsisimula na kasi kami at 'di pwede akong mahuli roon, pupunta ako roon para tingnan at i-check na rin ang site. Dali-dali ako tumakbo sa shower room at naligo. Habang naliligo ako may bigla akong naalala. Kagabi napanaginipan ko raw na binuhat ako ni Akki at nakita ko pa siya. Pero teka, sino nga kaya nagbuhat sa akin? 'Di ba nakatulog ako roon sa labas ng unit ni Kiro, kakaintay ko sa sagot niya kaso sa sobrang tagal ko na kakaintay ay nakatulog ako. Sino nagbuhat sa akin? Posible kaya na si Akki nga? Pero bakit si Akki naman, 'di ba? I mean, paano na punta si Akki roon? Hay, baka si Kiro lang nagbuhat sa akin na

