Ilang araw na ba ang nakalipas simula ng umpisahan kong ligawan si Akki. Isang linggo na, oo tama isang linggo na at sa loob ng isang linggo, sobrang saya tanggal lahat ng boring ko, at ang pinakamasaya, alam niyo ba? Medyo gumaan na ang trabaho ko. Kung alam ko lang na sa ganitong paraan lang pala mapapagaan ng kaunti ang trabaho ko, ginawa ko na ito dati pa. At ngayon nandito ako sa labas ng bahay nila Akki kasama 'yong mga katropa ko na nagtatrabaho sa bukid. Oo may tropa na ako rito, niyaya ko sila para mangharana kay Akki. At oo rin haharanahin ko siya na kwento kasi nila ka ganoon daw ang ginagawa nila sa mga nililigawan nila, kaya naman naisip ko na gawin ito kay Akki. "Senorita, sigurado ba kayo na ngayon talaga tayo manghaharana, e tanghaling tapat?" Tanong ni Kiko. At oo

