Nagulat ako sa sinabi ni Akki kaya naman binato ko siya ng lapis na hawak ko. "Sira ulo ka ba?" Tanong ko. "Ito naman 'di mabiro syempre, joke lang 'yon, bakit ka affected?" Tanong niya habang tinataas baba ang kilay niya. "Ewan ko sa'yo bwisit ka," sabi ko sabay tayo, at tanggal ng tali ko sakto naman lumakas ng hangin kaya naman medyo nagulo ang buhok ko. Napatingin ako kay Akki na nakatingin sa akin. "O, problema?" Tanong ko. "Wala lang ang ganda mo ka-- I mean ng view," sabi niya napangisi. "Don't worry alam ko naman na maganda ako," sabi ko. "Tsk," sabi niya. "May pagkain ba rito?" Tanong ko nagugutom na kasi ako. "Wala pero may alam ko, tara dali," sabi niya sabay hatak sa akin at takbo. Dinala niya ako sa mga manggahan, marami mangga at parang ang sarap mamitas, pero ang

