Nakatingin lang ako kay Akki at Norrain na naglalakad-lakad sa may gilid sa may lilim. Syempre ayaw niyan umitim. Buti pa ako kahit magbilad sa araw mabuti pa rin, namumula lang ako. "Ilang araw, weeks, months na sila ng ahas este ng higad pala ay mali ng Norrain na 'yan?" Tanong ko sa mga katropa ko na nakatingin lang din kila Akki. "Three years, mahigit na yata senorita," sabi ni Makoy. Napatingin naman ako sa kanya. Three years. 'Di ba? Nevermind. "A, matagal-tagal na rin pala, kilala niyo ba 'yang ahas este higad ay mali 'yang Norrain na 'yan?" Tanong ko. "Medyo lang senorita, pero kung kami ang tatanungin mo senorita, mas gusto ka namin diyan para kasing tago ang ugali," sabi ni Kiko. "Nasa loob ang kulo," sabi ko sabay-sabay naman kaming tumawa at nag-appear.

