"Akki dear, alam ko kakasagot mo lang sa akin pero hindi pa handa ang fresh, maganda at sexy kong katawan," sabi ko. Bigla niya na lang kasi ako hinila kung saan. "Madam, wala akong gagawin sa katawan mo unless ikaw ang gumawa ng bagay na iniisip mo," sabi niya binatukan ko naman. Loko 'to! Sipain ko ito where it's hurt, e. "At tsaka madam 'di nga kita sinagot okay, joke lang 'yon ang ibig ko sabihin talaga kanina ay sige tumalon ka na kaya ako nag-oo ikaw kasi assuming," sabi niya. Aba't tingnan mo itong lalaking ito, pigilan niyo ako gagasahai---este papatayin ko ito. "Hoy 'di ako assuming, minsan lang talaga," sabi ko. "At 'yong pag-a-assume mo na 'yon ay inaaraw-araw mo," sabi niya. Bwisit talaga 'to! Naku, naku mapapatay ko talaga ito. "Tinatamad ako lumakad," sabi ko sab

