Luhaan akong umuwi galing restaurant. Pagkadating na pagkadating ko dito sa condo unit ay dumiretso kaagad ako sa kama. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas pero basang basa na ng luha ko ang unan.
Iyak. Iyon lang ang tanging alam kong gawin para maibsan ang sakit na nararamdaman. Sa loob ng pitong taon ay akala ko sapat na pero kulang pa pala. Hindi ko akalain na maggawa niya ang bagay na para sa akin ay napaka imposible.
Gusto ko silang sampalin ni Ysa, gusto kong maggalit sa ginawa nilang panloloko. Mahal pala nila ang isa't isa edi magsama silang tangina nila.
Niloko na ako't lahat lahat pero hindi man lang naggawang magpakita ni Jeremy sa akin para makipaghiwalay.
At ang tanong kailan pa nagsimula ang panloloko nila sa akin?
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. May message galing kay Calyx, nakakatandang kapatid ni Jeremy.
Yung kapatid niya naggawang magtext sa akin tapos siya na boyfriend ko tumawag para makipagbreak. Gago na gago!
Calyx:
Nasaan ka?
Nasa puso mo! Kingina yan, brokenhearted na lahat lahat nakukuha ko pang magbiro nang ganito sa sarili.
Me:
Bakit? Nandito ako sa condo unit ko.
Ilang minuto pa ay hindi na siya nagreply at balik ulit ako sa pag-iiyak. Nai-imagine ko sila Ysa at Jeremy kasama ang magiging anak nila tapos ako eto mag-isang palalakihin ang anak namin at hindi alam ang gagawin.
Mahal na mahal ko si Jeremy. Simula nung nawala ang magulang ko ay siya na ang nasa tabi ko na nagcocomfort sa akin kaya napamahal ako sa kanya. Kaya hindi nagtagal ay nagustuhan at minahal ko siya.
Akala ko mahal namin ang isa't isa. Akala ko maayos yung relasyon namin. Akal ko hindi niya ako lolokohin. Akala ko kami hanggang dulo pero hindi pala. Napakadaming akala pero lahat ng iyon ay tuluyang naglaho.
Ang sakit-sakit. Si Jeremy ang lahat sa akin. Siya ang kabigan ko, boyfriend ko, masasandalan ko sa lahat ng oras pero sa isang iglap nawala ang lahat.
Kung alam ko lang na may iba. Kung alam ko lang na hindi na ako. Ako mismo ang lalayo at magpapubaya. Kung alam ko lang na hindi na ako handa naman akong bumitaw kung alam kong wala na talaga.
Hanggang saan at kailan naging totoo ang pagmamahal niyang sinasabi. Kailan natigil yung pagmamahal niya para sa akin? Binigay ko naman ang lahat pero hindi pa pala yun sapat.
Napatigil ako sa pagiyak at pagdrama nang marinig ko ang tunog ng doorbell. Bumangon ako at pumunta sa cr para maghilamos. Pagkatapos nun ay inayos ko ang sarili ko. Naglagay ako ng konting make-up para kahit papaano ay hindi mahalata ang pagiyak ko.
Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin si Calyx na may dala na kung ano at wala sa sarili na tiningnan siya.
"Ayos, brokenhearted pero gumanda lalo." aniya at walang hiyang pumasok sa loob.
"Kahit hindi ako brokenhearted maganda ako." mataray kong sabi sabay sarado ng pintuan. Matapos nun ay sumunod ako sa kanya at pinagmasdan siya.
May dala-dala siya na kung ano at inilagay iyon sa table. Medyo makapal ang mukha niya dahil dumiretso siya sa kusina at kumuha ng mga plato at kutsara. Pinapanood ko lang siya habang naglalagay ng pagkain sa plato.
Nagtataka man kung bakit siya naririto pero hinyaan ko na lang din muna siya sa ginagawa niya dahil kailangan ko ng malalabasan ng sama ng loob.
Hindi kami close ni Calyx pero naguusap naman kami pagnakakakitaan o di kaya may mga bagay na mahahalaga.
"Kumain ka na" sabi niya nang matapos maglagay ng pagkain sa plato.
"Busog ako" pagsisinungaling ko. Kahit ang totoo ay gutom na gutom na ako.
Sa katunayan ay nanghinayang ako sa pagkain na inihagis ko doon sa restaurant dahil ang laki din ng bill ko pero hindi man lang nabawasan kanina.
"Ok" dedma niyang sabi.
Nagsimula na siyang kumain at ako naman ay natatakam na. Bakit ba kasi ako tumanggi?
Nabigla ako na lang ako ng nilagyan niya ng pagkain ang bibig ko. Syempre nginuya ko iyon alangan iluwa ko. Gutom na nga di ba.
"Kumain ka na. Alam kong gutom ka, rinig na rinig ko yung tunog ng tiyan mo."
Inirapan ko muna siya bago napagpasyahan na maglagay ng pagkain sa plato. Syempre kumain na ako, tataasan ko pa ba ang pride ko para sa pagkain.
Brokenhearted na nga tapos mamatay ka pa sa gutom. Ano yun, Double killed.
"Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kanya habang pinapanood ko siyang maghugas ng pinagkainan namin.
"Pasensya ka na sa gagong kapatid ko. Nung nalaman ko kanina yung nangyari ay agad ko siyang nasuntok. Hindi gawain ng lalaki ang magloko at ikaw naman, hindi niyo gawaing mga babae ang magpaloko." sermon niya.
"Nasuntok nga rin siya ni papa dahil hindi kami pinalaki na manloko ng kapwa." dagdag niya.
"Ang dami mong alam. Ang layo ng sagot mo sa tanong ko. Bakit ka nga nandito?" naiinis kong sabi.
"Naga-apply bilang katulong mo hehehe..." pagbibiro niya.
Imbes na mainis lalo sa kanya ay dumiretso na ako sa kwarto. Nang makahiga ako ay bigla na namang tumulo ang luha ko. Nakakainis!
Muling bumalik yung alaala namin ni Jeremy. Yung sweet moments namin. Mga date at mga kalokohan.
Napataklob ako ng kumot nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Alam kong si Calyx ang pumasok alangan may multo dito. Naramdaman ko na bumigat ang tabi nang kama ko. Nakita ko siyang umupo doon.
Bakit ba siya kasi ang nandito? Hindi ba't dapat yung kapatid niya ang nandito at nagpapaliwanag sa katarantaduhan niyang ginawa.
"Mabigat yan kung itatago mo lang. Pero kapag sinabi mo mababawasan ang bigat ng nararamdaman mo. So ano? Kwento ka na dyan..."
"Una sa lahat wala akong dalang isang sakong bigas kaya walang mabigat at pangalawa hindi ka si Charo Santos para pagkwentuhan at pangatlo..." sandali akong natigilan dahil naalala ko na naman si Jeremy.
"At pangatlo m-mahal ko pa rin talaga siya. Mahal na mahal ko si Jeremy." umiiyak kong sabi. Naramdaman ko ang lalong paglapit niya sa alin at hinagod ang likuran ko.
"Tinatanong mo kanina kung bakit ako nandito? I'm here to comfort you."
Inalis ko ang kumot na nakataklob sa akin at nagparaiiyak. Nakatakip ako ng mukha habang umiiyak sa harapan niya dahil nakakahiya ang hitsura ko.
Ilang sandali pa ay nakumbinsi niya ako ng tuluyang magkwento. Para akong bata magkwento dahil putol putol pero wala eh, nasasaktan ako sa ginawa ni Jeremy.
Inilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko kwinento ko kung gaano kabigat yung sakit na dinulot ng kapatid niya na sa tingin ko ay walang gamot.
Nakinig lang siya sa akin habang hinahagod ang likod ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayon pero nakatulong ang presensya ni Calyx para mabawasan ang sama ng loob ko.
Ang sunod na nangyari ay nakita ko na lang siya nakahiga na pala sa tabi ko. Tapos na akong magkwento pero nanatili lang siya at pinanood ako.
"Can I hug you?" nahihiya kong taning dahil pakiramdam ko ay mas mababawasan nun ang sakit at bigat na nararamdaman ko.
Tumango si Calyx at nahihiya ko siyang niyakap. Naramdaman ko din naman na niyakap niya rin ako.
"Hokage ka ah. Gusto mo lang ata ako mayakap." pangiinis niya at hinampas ko siya sa dibdib. At dahil sa sinabi niyang iyon ay napatigil ako sa pagiyak at natawa kahit papaano.
Hindi iyon hokage, feelingera itong Calyx na ito.
Napaisip tuloy ako sa reaksyon niya sa akin. Siguro tinatawanan ako nito kung gaano ako kapangit umiyak? At kung gaano ako katanga ngayon? Kung ano man ang hitsura ko ngayon, ang tawag doon ay tanga sa pag-ibig look.
"Saan ba ako nagkamali? May mali ba sa akin?" mahinang sambit ko bago tuluyan akong dalawin ng antok.