Chapter 4

1512 Words
“BAKIT ba kailangan mo pa akong makausap privately?” naiilang na tanong ni Haemie sa nakaupong lalaki. “Be seated. ‘Wag kang mag-alala hindi kita kakagatin.” Napipilitang umupo siya, sinadya niyang magkaroon ng malaking puwang sa pagitan nila. “Haemie, I need your help this time,” ginagap pa nito ang kamay niya. Mabilis na binawi niya ang sariling kamay, parang napaso ang naramdaman niya nang magdaplis ang mga palad nila. “Sorry.” Ginulo pa nito ang sariling buhok saka tumuon sa kanya. “I love her. I definitely do. Pero wala na akong maisip na paraan kung paano ko siya pababalikin sa akin.” Napatingin siya sa binata. “Let her go. Kung talagang mahal mo nga siya, hahayaan mo siya sa desisyon niya. And if she really loves you, babalik at babalik siya sa’yo. By the way, whom did you found my name?” “Kay Paulo. Paulo is my far cousin.” Napatango-tango siya sa sinabi nito. “Hindi iyon ang nangyayari. Please.. I never please anyone.” “Bakit ako pa? Marami namang mga girls na humahabol sa iyo?” pagtataka pa niya. Kung tutuusin, walang-wala siya sa dami ng mga babaeng nagpapalipad hangin at pumi-flirt sa binata. Ano namang bagay ang dapat niyang maipagmalaki? Wala siya sa kalingkingan kung kagandahan lang ang pagbabasehan. “Dahil nakasisiguro akong hindi ka mai-in love sa akin, Haemie. Please..” nakikiusap na sabi nito sa kanya. Natahimik sila sandali. Hindi alam ni Haemie kung dapat ba siyang magtiwala sa lalaki, lalo na kay Cedrick na kilala niyang mayabang. “Huwag kang mag-alala, wala akong bagay na kukunin sa iyo. Wala akong bagay na hihilingin liban dito,” seryosong turan nito sa kanya. Napatingin na rin siya sa mga mata nito. Mukha namang sensero ito sa kanya at walang bahid ng panloloko ang sinasabi nito. “A-anong gagawin nating hakbang?” pag-aalangang tanong niya rito. “Once we saw her, magpanggap lang tayong magkasintahan. Gusto ko lang siyang pagselosin at gusto ko ring pagsisihan niya ang ginawa niya hanggang bumalik siya sa akin." Hindi niya alam kung bakit parang nararamdaman niya ang sakit na hindi pinapabatid ng lalaki. Minsan na siyang nasasaktan, hindi man masabing seryosong bagay, pero na-broken hearted na rin siya. Simula niyon, nawalan na siya ng tiwala sa sarili. Kaya siguro ramdam na niya ang sakit na iniinda nito. “Sige. Pumapayag na ako.” Napatayo ito dahil sa sinabi niya, napahawak pa ito sa mga kamay niya. Nabigla pa siya nang yakapin siya nito, ngunit sandali lang iyon. Kagaya niya ay nailang rin ito habang tumatawa. Hindi niya alam kung naramdaman din ba nito ang kakaibang bagay na naramdaman niya. “Gusto ko munang magkakilala tayo. I am sure, malaki ang galit mo sa akin,” nilingon niya ito at matamang nakatitig pala ito sa kanya. Paano nalaman nito ang bagay na iyon? Nababasa ba nito ang mga mata niya? Kumibit balikat pa ito saka nagpatuloy. “Baka talent ko na ang magbasa ng mga kilos ng tao. And I found that in you. Maybe, kagaya ko, minsan ka na ring nasaktan. Kaya siguro ilag ka sa mga lalaki. Actually, si Paulo ang tinanong ko kung may kakilala siyang babaeng pwede kong pagpanggaping girlfriend. Nag-aalinlangan nga siya kung papayag ka. But it was thankful na napapayag kita. Wala akong intensyong masama sa iyo. Kung sakali man na mabigo tayo at hindi na siya makipagbalikan sa akin. Then the deal is closed. Hindi ko na rin ipipilit ang sarili ko sa kanya.” Napansin niya unang-una ang pagiging talkative nito. Hindi naman siya magmamahal kaya tama lang siguro na magtiwala siya sa mga sinasabi nito. Besides, hindi naman puso ang ipagkakatiwala niya sa lalaki, kung hindi ang isang deal lamang. Pinagplanuhan nila ang balak na pagselosin ang tinawag ni Cedrick na Grace. Ibinigay ni Haemie ang number ng phone niya para kung sakaling makita nito si Grace ay madali na nilang maisagawa ang plano. Isang buwan lang naman ang ginawang palugit ni Cedrick. Ngunit hindi naisip ni Haemie kung paano kapag nalaman ng iba na magkasintahan sila. Sasabihin ba nila ang totoo o paninindigan muna? Pero tila gusto nga yata nito na ituloy ang plano at hayaan ang iba na isiping magkasintahan talaga sila. Saka na lamang daw babawiin ni Cedrick ang lahat. NAIILANG na pinayagan ni Haemie ang pag-akbay sa kanya ni Cedrick. Dapat pala ay nilinaw nito na sa lahat na pala sila magpapanggap at hindi lang sa tinawag nitong Grace. “Compose your self, Haemie. I promise, wala akong gagawing ikakagalit mo.” Napipilitang ngumiti siya sa binata. “Look, Warren. Tama ba ang nakikita namin?” Tumuon ang dalawang lalaki sa kanila. “Hi. She’s Haemie, my girlfriend,” pakilala ni Cedrick sa dalawa. Puminta ang pamumula sa pisngi niya. Hindi siya sanay lalo na at may kasama siyang so-called ‘nobyo’. “Hi. Haemie pala ang pangalan mo. Ako si Warren and this is Marvin.” “Nice pre. Sige, iwanan ka muna namin baka makaabala kami,” paalam ng nagpakilalang Marvin. Isang ngiti lang ang binitiwan niya. Inalis na rin ni Cedrick ang pagkakaakbay sa dalaga, napansin na rin siguro nito ang pagkailang niya. “Alam kong naiilang ka, isang buwan lang naman. Then we’ll break this plan. Tara,” inaya siya nito. Tapos na rin pareho ang klase nila. Kaya hindi na siya nakatutol nang dalhin siya ni Cedrick sa harapan ng Mall. “I browse her f******k. At nakita kong may photo siya ng biniling tickets. Baka sakaling maabutan pa natin” Hindi siya umimik kahit pa nakahawak ang mga kamay nito sa kamay niya. Napakainit ng palad nito, hindi nga niya alam kung napansin ba nito ang lamig ng palad niya. Kaya siguro may nararamdaman siyang boltahe. Pumila ito at bumili ng tickets. Imagine you and me ang pinapalabas sa takilya kaya iyon na rin ang napagkasunduan nilang piliin. “Okay ka lang ba?” tanong nito sa kanya nang hindi ito nakarinig ng imik mula sa kanya. Nakasimpleng shirt at jeans lang siya at tumatagos talaga sa katawan niya ang lamig sa loob ng sinehan. Samantalang naka-jacket naman ito. “Oo, okay lang ako.” Hindi niya napansing hinubad na pala nito ang sariling jacket at isinuot mula sa likuran niya. “Naiilang ako lalo, ang tahimik mo kasi. Hindi ako sanay. Usually, kapag nakikipag-date ako, ang babae ang maingay at ako ang tahimik. Hindi ko tuloy alam kung may sense ba lahat ng sinasabi ko sa’yo.” Narinig niyang lahat iyon kaya lang nakatuon na ang mga mata niya sa palabas na kasalukuyan ng nag-uumpisa. “Salamat.” Ibinalot niya sa katawan ang Jacket. Pero hindi yata sumapat sa lalaki ang Jacket, napasinghap pa siya nang lumipad ang braso nito sa balikat niya. Kinabig siya para bahagyang yakapin. Nilingon niya ito. Ngumiti lang ang animal. Pakiramdam niya nagsirkuhan ang puso niya sa loob ng dibdib niya dahil sa ginawa nito. Hindi pa rin niya nababanggit kay Kate ang nangyayari, dahil tiyak aatakihin ito sa puso kapag nalaman nito ang ginagawa niya. Alam naman niyang ultimate crush ng pinsan niya si Cedrick. Masasabing maswerte siya at siya ang napili nito. Hindi naman swerte iyon sa kanya. Wala lang, sapat na na nakatulong nga siya. Walang malisya ang lahat ng ginagawa nila para sa kanya. Sa una ay hindi siya naging komportable, ngunit akala niya ay inalis na nito ang ganoong posisyon, nang matapos ang palabas saka lang nito napansin na komportable na pala siya sa ginawa nito. Eksaktong nagbukas ang ilaw, inalalayan siya nito pababa. Hinubad naman niya ang Jacket at ibinalik dito. “Baka lamigin ka pa?” nag-aalinlangang kinuha nito ang iniabot niyang jacket. “I’m fine. I can take care of myself,” malamig na sabi niya. Sanay naman talaga siyang walang nag-aalaga sa kanya. Sanay siyang mag-isa, walang nag-aasikaso at walang nag-aalala. Hindi siya sanay sa presensiya nito at sa paraan kung paano nito ginagawa ang planong iyon. “Cedrick?” Parehong napatingin silang dalawa sa tumawag sa pangalan nito. Agad kinabig ni Cedrick si Haemie para akbayan. “Grace! What a small place! Akalain mong magtatagpo pa pala tayo rito.” “New date?” tanong ni Grace na tinukoy ay siya. “Yes, she’s Haemie. My new girlfriend.” “Nice tol!” sabi naman ng lalaking kasama ni Grace. Napansin niya ang pagkuyom ng kaliwang palad ni Cedrick at ang pagbago ng ekspresyon ng mukha nito na tila nagseselos. Ito yata ang nahulog sa sariling bitag. “Congrats Cedrick and Haemie!” nakangiting bati nito sa kanila. “Tol, Haemie, mauna na kami sa inyo,” kumindat pa ang walang hiya hanggang tuluyang tumalikod. Bumitiw si Cedrick sa kanya at tila nais nito habulin ang mokong. “Gago ‘yun ah!” Pinigilan niya si Cedrick. “Hayaan mo na.” Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito na nagpipigil ng galit. “Sigurado ka ba sa ginagawa natin? Ikaw yata ang nagse—“ Pinutol nito ang sinasabi niya. “No! ipagpapatuloy natin ito. Let’s go.” Hinila nito ang kamay niya at nakasunod na nga silang dalawa kay Grace at sa nobyo nito. “Hey, teka lang. Anong balak mo?” pag-aalinlangang sabi niya. “Ipapakita natin na dapat apektado si Grace. Dapat siyang magselos!” may gigil na bitiw nito sa mga salita. Hindi na siya nakatutol. Nang bitiwan siya ni Cedrick, sinundan na lang din niya ang huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD