Chapter 12

1945 Words
DAHAN-DAHANG naglakad si Haemie palabas ng kwarto. Sinisiguro niyang hindi siya makagagawa ng ingay. Kahit pa tulog na tulog na ito sa mga oras na iyon, may posibilidad pa ring magising ito. Halos hindi na nga siya humihinga hanggang sa tuluyan na siyang makarating ng main door. Inuna niyang inilabas ang dalang back-pack, kasunod na inihagis ang sapatos hanggang magyapak na siya palabas. Tagumpay siyang nakalabas at nakapaglakad sa kahabaan ng pasilyo. Hindi siya dumiretso ng elevator, sa pangambang may makakita sa kanya at maaaring kakilala pa ng asawa. Ang fire exit ang tinunton niya. Halos talunin na niya pababa ang mga hagdan para mabilis na makatuntong ng ground floor lalo pa at nasa fifteen floor sila. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib niya lalo na nang maramdamang may nakasunod rin sa kanya habang bumababa ng hagdan. Takot na takot na hindi niya ito nililingon. “Haemie!” Halos manigas siya sa kinatatayuan at tumalon palabas ang puso niya sa nadaramang nerbiyos. Hindi siya maaaring magkamali sa boses na iyon. Iyon ay tiyak niyang boses.. Ng... Asawa niya. Mabilis na takbo ang ginawa niya, mula sa ere ay hinagis na niya ang bag pababa hanggang bumulusok na siguro ito sa huling hagdan. Gusto na yata niyang tumalon, lalo na nang matiyak na asawa nga niya ang nakasunod sa kanya. “f**k! Bumalik ka rito! Akala mo siguro hindi ko malalaman na may nilagay ka sa inumin ko.” Doble ng bilis niya ang asawa dahil mas malakas ito. Isang hagdan na lang ay magpapang-abot na sila. ‘Bilis Haemie! Bilisan mo pa! Takbo!’ panay usal niya sa sarili. ‘Diyos ko, ‘wag nyo po pahintulutang ibalik ako sa piling niya.’ Isang dipa na lang... malapit na.. Tumakbo pa siya ng tumakbo.. kalahating dipa.. Pilit nitong inaabot ang buhok niya. Isa na lang ang naisip niya. Tinalun na niya ang hagdan. Lumagapak siya sa panglimang floor mula sa pitong floor. Iika-ikang hinila niyang muli ang katawan para makatakbo. Hindi siya pwedeng panghinaan, hindi siya pwedeng mapagod at makaramdam ng sakit. Kagaya ng nauna. Tinalon niyang muli ang ikatlong floor, naunang lumagapak ang balakang niya at tagumpay na nakarating siya ng ground floor. Pagapang at mabilis na itinulak niya ang pinto ng fire exit. Kumuha siya ng balanse sa mga railings na nahawakan niya. Nang makarating sa exit back door ng Hotel, doon na siya nagtatatakbo. Walang direksyon kung saan siya tatakbo, bast ang nais na niya ngayon ay makawala sa walang hiyang asawa. Dahil mangilan-ngilan na ang sasakyan, wala siyang nakikita ni isa. Lalong ginapangan ng takot ang puso niya sa isiping baka nakasakay sa dadaang kotse ang asawa niya at mahuli siya. Kasunod pa ang pagbuhos ng malakas na ulan, kasunod niyon ay ang masagana ring pagtilapon ng luha sa mga mata niya na humahalo na sa ulan. Kumolog at kumidlat, walang pakialam kung tamaan man siya. Mas ninanais na niya ngayong mamatay. May naalinagan siyang liwanag na nagmumula sa ilaw ng kotse, tatanggapin na niya ang magiging kapalaran niya, kaysa mamatay sa kamay ng asawa. Mas nanaisin pa niyang masagasaan. Ito na lang din ang naiisip niyang natitirang paraan para matakasan ang buhay na nasapit niya sa kamay ni Eiden. Isang matuling kotse ang nagdire-diretso palapit sa kanya, sinadya niyang iharang ang katawan. Napapikit na lamang siya at naramdaman ang pagdilim ng paligid. Nawalan na ng pag-asa ang binata na makikita ang katagpo. Isang oras na mahigit ang lumilipas ngunit walang bakas siyang nakita o naulinagan. Huling limang minuto na ang ibinigay niyang palugit. Naubos na ang oras, ipinasya niyang bumalik na lang sa kotse. Napansin pa niyang nagdidilim na ang langit kasunod ang pagkulog at pagkidlat ng malakas. Kasabay na biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Nagdi-dim na ang paligid. Zero visibility na dahil sa kapal ng hamog na dala ng malakas na ulan. Marahil ay may parating na bagyo. Unpredictable talaga ang Pilipinas. Kinumbinsi na lang niyang hindi na sila magkikita ng katagpo, marahil ay nahuli na ito ng asawa. Nagsimula na siyang magbukas ng engine, kumambyo pa kaliwa at minaniobra na ang manibela. Hinayang na hinayang man, wala na siyang magagawa. Tinatahak na niya ang daan pabalik nang may napansin siyang imahe ng babaeng parang baliw. Nagtatakbo ito at sa labis na kadulasan ng daanan at inaakalang wala ng gaanong sasakyan, matulin niya itong pinatakbo. Hindi niya sinasadyang mabundol ang babae. “s**t!” Nanginginig ang kamay na binuksan ang pinto at nilabas ang nabundol. Tumama ang ulo nito sa harapan ng kotse niya. Agad niya itong dinaluhan, binuhat at isinakay sa kotse niya. “Miss? Miss? Gumising ka, hindi ka pwedeng mamatay.” Sa pinakamalapit na Hospital dinala ni Cedrick ang babaeng nabundol. Agad niyang tinawag ang mga naroroon para marapatan agad ito ng paunang lunas. Lalong nanginig ang mga kamay niya, hindi lang sa labis na lamig, kundi sa takot na baka nakapatay siya. Numero ng ama ang una niyang naisip i-diall. Ilang minuto rin ay dumating ama. His father comforts him, easing the pain he felt and his nervous that’s suffocating him. Matagal bago lumabas ang doktor hanggang lumabas naman ang isang nurse at iniabot sa kanya ang isang wallet na nakalagay siguro sa pantalon ng babae. Sa pag-aakalang sila ang kamag-anak, napilitan si Cedrick na kunin ang pag-aari ng babae. Ang ama naman nito ang umusisa na buksan iyon para mapagkilanlan ang babaeng nasagasaan niya. “Haemierenhea Clemente-Apacer?” parehong napamaang ang mag-ama pagkabasa niya sa pangalang nakalagay sa government ID nito. “Damn it!” malakas na napapalo sa sariling noo si Cedrick. “Anong klaseng co-incident ito?” “You must be lucky, son.” TARANTANG tinawagan ni Kate ang pamilya ni Haemie nang tawagan siya ni Cedrick at malamang nasa Hospital ang pinsan. Nagdudumali ang mga ito na makarating sa Hospital. Kumpleto ang pamilya ni Haemie na nakarating roon. Samantalang kahit medyo nahihirapan sa pagtakbo dahil dalawang buwan ng buntis si Kate sa ikalawang anak sa asawang si Paulo at maselan ang kalagayan. Hindi iyon ininda ni Kate, sabik siyang makita ang pinsan at ang kalagayan nito. Labis na galit at poot ang naramdaman ng lahat. Doble iyon kay Cedrick, nang malamang positive na sinasaktan ng asawa si Haemie. Ang doktor na sumusuri dito ang nagpaalam sa kanila ng kalagayan ni Haemie. “She’s alive now. But to tell you the truth there is no possibility that she will easily awake. She’s in coma. Karamihan sa mga pasyente namin na comatose na , thirty percent na lang ang pag-asang magigising sila. And additionally, her brain was damaged; maybe some of her memories were lost. Prayers are our only powerful keys to make the patient survive.” Halos panawan ng ulirat ang ina ni Haemie sa narinig mula sa Doktor, napasuntok naman sa pader ang ama nito. Madilim ang anyong kinausap ni Cedrick si Kate. “He must suffer! Hahanapin ang hayop na lalaking iyon! Ipakukulong ko siya!” nangigigil na usal ni Cedrick kay Kate. “Binanggit mo sa akin na meron kang ka-chat na Sapphire ang pangalan. I have something in mind, Cedrick.” “We have the same though Kate.” Walang sinayang na sandali sina Kate at Cedrick. Hinack ni Kate ang account na Sapphire, swerte namang nagagamit pa rin niya ang husay at galing, doon ay nakita niya ang lahat ng blogging, ang account na si Haemie pala ang may-ari. Samantala, kasalukuyan namang pinakakalat na ni Cedrick ang mga pulis para dakipin si Eiden Apacer. Napag-alaman din ni Cedrick na tumatakas na ito at babalik na ng America. Kaya agad pinaalam niya na kailangan ma-hold sa immigration at airport ang may pangalang Eiden Apacer. Hindi nabigo si Cedrick, nakapalibot na sa hayop niyang kapatid ang mga pulis na nakatutok ang de kalibreng mga baril. Dahil sa takot na nadarama, nailagay na lang ni Eiden ang mga kamay sa likod ng ulo at unti-unting napayukyok paupo sa sahig. Isang suntok ang pinatama ni Cedrick nang tuluyang makalapit siya kay Eiden, hindi pa siya nakuntento, sinakyan pa niya ito at inundayan na magkabilang suntok. Putok ang mga mata at labi nito, basag pati ang ilong. Halos hindi na ito makatayo. Kung hindi pa siya napigilan ng mga pulis balak na sana niya iyong patayin ng suntok. Ipinaalam ni Cedrick kay Kate na nakakulong na si Eiden. Hindi dapat papayagan ng asawang si Paulo na puntahan pa ni Kate ang lalaki, ngunit dahil mapilit ang asawa at kasama naman si Cedrick. Hindi na nagawa pang tumutol ni Paulo. Isa pa ay hindi lang basta pupunta si Kate para manabik na makita si Eiden dahil may inihanda na siyang armas laban sa lalaki. Pinahanda ni Kate ang dokumento sa abogado ng pamilya nila. Ito ang dokumentong maghihiwalay na sa pangalan ni Eiden Apacer at Haemie Clemente nang panghabang-buhay. Balak ipapirma iyon ni Kate, matapos ay ipalalakad naman niya iyon sa ibang bansa nang tuluyan nang mawalan sila ng ugnayan. Nakasilid sa envelope ang dokumentong ipapapirma ni Kate kay Eiden. Lumapit siya sa kulungan at halos hindi na niya makilala ang pagmumukha nito dahil sa labis na natamong suntok. Nakapanabay naman sa likuran niya si Cedrick. “Uunahan na kita Eiden. I wasn’t good to see you. But to tell you, I’m not here to check your condition.” “Ano pang kailangan nyo sa akin?” Ibinaba ni Kate sa lamesa ang mga dokumento saka inilabas sa envelope. “This is the annulment papers. Alam kong gusto mong makawala sa kulungan na ‘yan. In exchange of divorcing my cousin by signing these papers, I will set you free.” ‘...in hell’ gusto pa sana niyang idugtong ngunit ayaw niyang masira ang plano. “T-talaga, palalayain nyo ako?” nanlalaki ang matang turan ni Eiden at hindi makapaniwala. “Oo, basta pirmahan mo lang lahat ng may nakasulat na printed name mo, then put your thumb mark here.” Minuwestra pa niya ang gagawin nito. Dali-dali naman nitong kinuha ang nakalapag na ballpen. Dahil sa pananabik na makalaya, ni hindi na nito nagawang manigurado. Dinouble check munang maigi ni Kate ang mga dokumento kung napirmahan bang iyong lahat ni Eiden. Tagumpay nga sila, napirmahan lahat at walang nagmintis. “So, ano? Laya na ba ako?” tanong ni Eiden nang makatayo na. Tumayo na rin si Kate at isang malakas na sampal ang sumagot sa tanong ni Eiden. Halos tumabingi ang mukha nito mula sa ginawa niya. “Hindi pa sapat ‘yan sa lahat ng ginawa mo. Akala mo ba, palalampasin namin ang ginawa mo. Dahil sa’yo comatose ang pinsan ko, now you want me to free a criminal like you. You’re an asshole, idiot! Pulis, pakibalik na sa kulungan ang lalaking iyan. Siguraduhing hindi siya makakawala.” Lumapit pa siya ng bahagya kay Eiden. “Sisiguraduhin kong mabubulok ka ditong hayop ka. Ipatitikim namin sa’yo ang impyerno kapiling ang rehas.” Pagkasabi’y mabilis na nilisan nina Kate at Cedrick ang kulungan. Binayaran na kasi nina Kate at Cedrick ang mga pulis at ibang preso na pahirapan siya hanggang tuluyang mamatay. Alam nila na hindi iyon sasapat sa lahat-lahat ng mga ginawa ni Eiden at atraso nito sa kanila. Kaya habang naghihintay pa rin sila na magkamalay si Haemie mula sa pagkaka-comatose, minabuti na nilang lakarin kaagad ang kaso. Sapat na ang medico legal ni Haemie bilang kaparusahan at maisampa sa husgado ang kaso laban kay Eiden Apacer. Mabilis rin naman na nalitis ang kaso, bago pa natapos ang dalawang buwan ay agad na nilang nakamit ang katarungang hinihingi nila. Halos magtatatalon sa tuwa sina Kate, Cedrick at ang buong pamilya ni Haemie nang malaman ang desisyon ng korte. Reclusion perpetua o habang-buhay na pagkabilanggo ang ipinataw kay Eiden Apacer. Panatag na ang kalooban nila na hinding-hindi na makakapanggulo pa ito sa pamilya at buhay ni Haemie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD