Prologue

1936 Words
"Angel sandali lang!" Hindi ako nagpatinag sa tawag ng aking kapatid. Imbes ay ipinagpatuloy ko ang aking pag-aayos ng aking gamit at mga fliers. "Angel naman, hindi lang ikaw ang papasok!" Isinakbat ko na ang aking tote bag na laman ang aking laptop,  notebooks at iba pang gamit ko sa school bago dinampot ang medium size na storage box na laman ang aking mga fliers. "Ellie last day na ng campaign period. I need to go around the whole campus para mangampanya." Pagmamaktol ko habang nakatayo sa likod ni Ellie na nag-aayos pa ng kilay niya. "Ito na nga, ito na!" Humahangos niyang turan bago tumayo mula sa kaniyang dresser at kinuha na ang kaniyang bag. Lumabas na kami ng kaniyang kwarto at nagtatakbo pababa ng bahay. "I swear Angel, kapag hindi pantay ang kilay ko, mayayari ka sa 'kin." Ani niya habang naglalakad kami papasok ng sasakyan. Napatawa lang ako at naupo na sa puwesto ko. "Hindi kaya, patingin nga." Inabot ko ang kaniyang baba at ipinihit ang mukha sa kaliwa't kanan paa tingnan kung pantay ba ang kilay niya. "Hindi naman ah, maganda nga!" Turan ko at sinumangutan niya ako bago inilayo ang mukha niya sa akin. "Buti naman, kung hindi mayayari ka talaga sa akin kung mukha 'yang mag pinsan at hindi kambal." Pagtataray niya ba ikinatawa ko. Niyapos ko ang aking storage box at napabuntong hininga. "Ellie, hindi naman sila kambal, magkapatid lang." Pagtatama ko. Narinig ko itong bumuntong hininga bago ibinaba ang cellphone niya at tiningnan ako. "I want them to look exactly the same as each other. I don't want the other one lower and the other one higher." Seryosong niyang turan at napasimangot nalang ako. "Okay okay, sige na, pero... sasamahan mo ko mangampanya diba?" Tanong ko sa kaniyang habang nikingiti nilingon niya ako at napabuntong hiningang muli. "Bakit ba kasi gustong-gusto mong manalo? 4th year kana next year, I'm sure magiging busy kana sa lectures mo. Hindi ka ba mapapagod?" Tanong nito, napasimangot ako bago sumandal sa upuan. "Kakayanin ko naman eh. Tsaka, magiging masaya kung ako mananalo." Pangangatuwiran ko. "Eh bakit nga? Bakit nga gusto ko maging SSG President?" Tanong niya.. muli akong napasimangot at bumuntong hininga. "Eh kasi... nabalitaan ko na walang kalaban yung isang lalaban. Parang mali naman na mananalo siya ng walang kalaban." Sagot ko at nakita ko ang pag-ngiwi ng kabi ni Ellie. "Si Ez- "Andito na po tayo mga maam." Parehas kaming napatingin ni Ellie sa driver nang magsalita ito. "Let's continue to talk sa school." Ani ni Ellie bago dinampot ang gamit niya. Since ako naman ang malapit sa pinto ay ako na ang nagbukas at bumaba na. "Good morning Angel." Bati ng isang 2nd year pagkababa ko ng sasakyan, agad ko siyang nilingon at nginitian. "Good morning Jasmine! Don't forget, Charleigh Angela sa balota!" Pagbati ko at natawa ito bago tumango at umalis na. "Angel naman nakakahiya." Bulong ni Ellie sa likod ko. Natawa lang ako at bahagya siyang siniko. "Campaign nga eh, siyempre you should interact with more people. Ikaw rin! Don't be too mean." Ani ko at inirapan niya ako. "So you're really gonna spend the morning classes pangangampanya?" Tanong niya at tumango ako. "Yes, after lunch pa ang classes ko eh. So let's make the time worth it." Sagot ko at tumango siya. "Then let's go if you're gonna go around the whole campus." Ani niya bago ako higitin papasok ng campus. "So as I was saying, si Ezekiel ang kalaban mo diba?" Tanong niya Habang naglalakad kami sa sidewalk. "Oo ata... hindi kami close e. Nung meeting de abanse ko lang siya nakita ng ganun kalapit." Sagot ko at tumango si Ellie. "He's nice, kaklase ko siya. He's smart, top student, hard working, kind, and good looking actually." Ani niya at napasimangot ako. "Ellie naman eh, ako dapat kinakampihan mo. Ako kapatid mo dito eh!" Pagmamaktol ko, para akong bata na nagdadabog dito habang nagpapapadyak pa ng paa sa sahig. Nanlaki ang mata ni Ellie at hinigit ako papalapit sa kaniya. "Angel tumigil ka nga! Para kang bata. Nakakalimutan mo ba na you're older than me for almost a year? Tsaka... nakakahiya oh. May makakakita sayo, gusto mo ba isipin nila na ganiyan ang magiging President ng SSG?" Usal niya at napasimangot ako bago siya tiningnan. "Fine, kakalma na. Let's go, nauubos oras natin dito." Ani ko at tumango siya bago ako binitawan. Pumunta muna kami sa 1st year at doon ay nangampanya. Hindi namin lahat napuntahan dahil na rin sa may mga klase pa ang ibang students. Nang matapos kami sa 1st year and almost kalahati ng 2nd year ay pumunta muna kami ng cafeteria para mag snack. "Charleigh Angela for SSG President, thank you." Nag abot ako ng isang flier sa isang 1st year na  aking nakita. Tumingin ako sa paligid kung may estudyante pa na walang hawak na flier ko. "Angel, ano ba, pumili kana ng kakainin mo." Hinigit ako ni Ellie papalapit sa kaniya. Muntikan pa akong mapasubsob sa salamin na pinagtataguan ng mga pagkain. "Aray naman Ellie, ano... gusto ko ng.. maruya. I want that." Turo ko sa maruya na nakalagay sa tray. Tumango siya at nag order na para sa akin. Nanatili ako sa kaniyang likod habang siya naman ay nagbabayad ng pagkain namin. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na tumatama sa aking mukha bago tumingin sa paligid. Nang hindi sa kalayuan ay may nakita akong isang kumpol ng mga lalaki na kasunod ang ilang kababaihan. "Ellie... Ellie!" Pabulong kong sigaw habang kinukulbit si Ellie pero ang aking nga mata ay nakatutok sa isang tao na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. "Ellie! Uy!" Pagtawag ko ulit. "Angel ano ba?!" Hinarap ako ni Ellie at agad kong itinuro ang direksyon nila Ezekiel na halos katapat lang ng kinatatayuan namin. "Diba si Ezekiel yun? Bakit naman siya pinagkakaguluhan? Ang OA naman nila, hindi naman siya artista." Ani ko habang tiningnan pataas at pababa si Ezekiel na tuwang tuwa na namimigay ng fliers niya. "Angel inggit ka lang kasi maraming nag a-approach sa kaniya." Ani ni Ellie at agad akong napalingon sa kaniya, tiningnan ko lang siya bago namili na kami ng lamesa. Kumain na kami ng snacks at nagpahinga lang ng ilan pang minuto bago bumalik sa pamimigay ng fliers. "Bakit ba kasi hindi ko kasama mga ka party list ko? Angel naman idinadamay mo pa ako. I rejected your offer to be your Vice President because I don't have patience for this pero and uwi ko pala tutulungan din kita mangampanya." Pagmamaktol ni Ellie nang makalabas kami mula sa isang classroom. Napasimangot ako at hinawakan ang storage box ko ng dalawang kamay. "Ehh... yung Vice President ko... kasama mga friends niya mangampanya, yung secretary at treasurer may klase, yung representatives... magkakasama." Sagot ko at narinig ko siyang bumuntong hininga. "I feel like hindi ka naman nila gusto. Feeling ko napilitan lang sila sa party list mo." Ani ni Ellie at agad akong napatingin sa kaniya ay sumimangot. "Grabe ka naman Ellie! Hindi naman siguro, don't be so negative nga." Pagmamaktol ko habang naglalakad kami. Napakamot si Ellie sa ulo niya, "I'm just being honest though. Kasi kung gusto nila sayo, kasama ka dapat nila. Hindi valid reason na kasama na nila friend nila." Ani niya at sumimangot nalang ako at nanahimik. Nagpatuloy kami sa pangangampaya at natapos na sa 2nd year. Matatapos na rin kami sa 3rd year at isang classroom nalang ang hindi namin nabibisita. "Ellie... classroom mo naman 'to, ipangampanya mo nalang ako dito." Kinakabahan kong turan habang nakatayo sa labas ng classroom nila Ellie. Napabuntong hininga si Ellie. "Angel, hindi ako ang tumatakbo na President. Kailangan ikaw ang mamimigay." Sagot ni Ellie at napasimangot ako. "Pero Ellie... classroom 'to ni Ezekiel. Nakakahiya na magpakita dito. Malamang boto sila sa kaniya." Ani ko at napasaltik ang dila ni Ellie. "Angel...- "Ange.l.. mangangampanya ka? Tara sa loob, 'wag kana mahiya." Natigilan kami Parehas ni Ellie nang biglang sumulpot sa harap namin si Ezekiel. "Let's go, ipapakilala ko kayo." Ani niya bago pumasok sa loob. Nagkatinginan muna kami ni Ellie bago sumunod sa kaniya. "Everyone, makinig kayo, Ace ayusin mo yang upo mo. Put your feet down." Turan ni Ezekiel sa harap ng klase. Nanatili akong nakatayo doon habang hawak-hawak ang storage box ko. Humarap sa akin si Ezekiel na ikinagulat ko, "Ms. Navarro, take it away." Nakangiti niyang Turan bago pumunta sa tabi. Tumango ako at humarap na sa klase bago ngumiti. Si Ellie naman ay naka upo na agad sa bangko niya. "Hi everyone, this is Charleigh Angela Navarro, running as Student Government President for the next school year. From Shine Partylist. Kung inyong iboboto ang aming partylist, makaka-asa kayo ng maganda at tapat pamamalakad. Ang ating magandang mahal na eskwelahan ay mas mapapaganda pa. Kaya ano pang hinihintay niyo? Iboto na ang Shine Partylist!" Masaya kong turan bago nagsimulang mag-abot ng aking fliers. "Thank you, don't forget, Charleigh Angela sa balota." Masaya kong turan nang Mai-abot ko ang aking flier. Nang makarating ako sa last row ay naghihintay sa akin si Ezekiel habang nakatayo sa tabi. He smiled at me, "Goodluck bukas." Ani niya at tumango ako bago siya inabutan ng flier. Nakangiti niyang tinaggap ang flier ko, "Thanks, here's mine." "Bakit mo tinititigan 'yang flier ni Zek?" Tanong ni Ellie habang naka-upo kami sa loob ng sasakyan. Araw na ng botohan ngayon at kinakabahan ako. Napakunot ang noo ko, "Sino?" Taka kong tanong. Itinuro niya ang flier na hawak ko, "Flier ni Zek, Ezekiel. Bakit mo hawak-hawak?" Tanong niya at agad akong umiling. "Ah wala wala, wala lang." Sagot ko at tumango siya. Maya-maya ay nakarating na kami sa school at agad akong dumiretso sa classroom. Hindi kalaunan ay dumating na ang mga fourth year na magpapaboto sa amin. Siyempre straight vote ako sa Partylist ko. Mag ta-trayduran pa ba kami? Sa huli ay panalo kaming lahat sa classroom lang namin. Pero ang over-all results ay malalaman pa mamayang lunch. Buong morning class tuloy ay kinakabahan ako. Lalo na't nag message na si Ellie na si Ezekiel daw ang nanalo sa classroom nila. Nang mag dismissal ang morning class namin at agad akong pumunta sa classroom ni Ellie para ayain siya na pumunta sa teachers faculty kung saan binibilang ang results. "Hi kuya Richard, may results na po ba?" Bati ko sa current SSG President, ngumiti si kuya Richard at tumango. "Yes Ms. Navarro, but... sad to say si Mr. Guillermo ang nanalo." Malungkot niyang turan.. bigla akong natigilan pero agad tumango at ngumiti. "Okay lang po, ganun talaga ang laban, may nanalo at natatalo." Ani ko at tumango si kuya Richard. "That's right, that's a good attitude Ms. Navarro. By the way, I have to go now. Here are the results if you want." Ani niya sabay turo sa board at lumabas. Lumapit ako sa bulletin board at nakita na almost 200 votes lang ang lamang ni Ezekiel sa akin. "Sayang..." Malungkot kong turan.. "Still congratulations though." Agad akong napatingin sa aking likuran nang magsalita si Ezekiel. Ngumiti siya, "Congratulations pa rin." Ani niya at ngumiti ako. "Congratulations rin sayo." Ani ko at tumango lang siya. "Didn't I told you Zek, easy lang sa akin yung nga kaklase natin e." Narinig kong turan ng kasama niya. "Ace shut up." Sagot niya habang nakatingin sa bulletin board. "Ellie tara na.." Pag-aaya ko, paalis na sana kami nang bigla niya akong tawagin. "Ms. Navarro I want to discuss something with you." Ani niya at napakunot ang noo ko bago siya hinarap. "Ano yon?" Tanong ko, He smiled at me, "I want to offer you a position."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD