Amythyst's POV "Next," tinig ni Master Arminus ang nangibabaw sa field. Napatingin ako kay Daddy na noon ay bahagyang tumango pero kitang-kita ko ang pag-ahon ng kaba sa kanya. Gusto kong sulyapan si Zed pero pinipigilan ko talaga ang sarili ko. Kapag nakikita ko siya lalo lang akong nasasaktan. "Oy! Ikaw na." Siko sa akin ni Rizza at Mark dahilan para kabahan agad ako. "Goodluck!" dugtong nila. "H-ha?... a-ako na ba?" nagawa ko pang itanong sa kanya kahit alam kong ako na nga talaga ang susunod na makikipaglaban sa mga halimaw na nag-aabang sa ibabaw ng Maze. Pagkatapos ng laban ni Kaisser, sa sumunod na mga kasamahan ko since number 8 ang nakuha ko ay dalawa lang ang nakapindot sa brilyante. Yeah! Out of six members pwera kay Kaisser ay dalawa lang ang nanalo sa mga bad breath m

