Amythyst's POV I blinked twice, habang pigil hininga na napakapit ako sa bintana. Totoo ba ito? Totoo ba ang nangyayari? O nananaginip na naman ba ako? I thought it will be the start of my happy ending pero... hindi pa pala. Ang makita ang maraming dark elementians na kasalukuyang naglalakad papasok sa Trojan Academy na pinangungunahan ni Haring Rio ay hindi panaginip. Dahil totoong totoo ang nangyayari! Kung sabagay, kahit hindi nila hawak ang buong amulet basta hawak na nila ang kapiraso nito ay may kakayahan na silang pumasok ng Trojan anumang oras na gugustuhin nila. Nanlamig ang buo kong katawan nang magsalita sa malakas na boses si Haring Rio, sa mga warriors at maraming elementians na halos hindi na nakagalaw sa kinatatayuan nila sa biglaang pagdating ng hari ng mga dark e

