Master Morley's POV "Paanong nangyaring may dugong liwaru na nabuhay sa mundo ng Trojan Academy? At paanong napunta dito ang amulet na pag-aari ng mga dark elementians? Mukhang wala ata akong alam sa mga nangyayari." malakas na boses ni King Charles ang agad na pumukaw sa atensyon naming apat na Master na nandito sa Master's Hall. Hawak niya ang lumang papel na iniwan ng mga dark elementians tangay ang mga estudyanteng kinuha nila. Nakalagay doon ang kagutushan ng mga itong makuha ang liwaru kapalit ng mga binihag nito. Nakaupo si King Charles sa gitna ng mahabang mesa kung saan kami ay nanatiling nakatayo at nakayuko. Sinulyapan ko si Zed na noon ay matamang nakayuko at waring may malalim na iniisip. "David?" tawag ni King Charles sa akin para matuon ang atensyon ko sa kanya dahila

