" AHhhhhhh!! " sigaw ni Eliza. PAK! Isang sampal ang gumising kay Eliza mula sa bangungot. Nakita niya si Carl na pero imbes na lumapit siya dito para yumakap at umiyak dahil sa nakakatakot na panaginip niya--lumayo siya dito! Sumiksik siya sa headboard ng kama. Niyakap niya ang tuhod niya at nag-iiyak sa sulok. Hindi niya kasi alam kung si Carl o hindi ang nasa harap niya. Tinangka namang lumapit ni Carl sa asawa ngunit.. " Diyan ka lang! Huwag kang lalapit! " sigaw ni Eliza. " Anong nangyayari sa'yo Eliza? Bakit ka nagkakaganyan? " nag-aalalang tanong ni Carl. Nagtatangkang lumapit ulit si Carl sa asawa pero pinigilan siya nito. " Hindi ka si Carl! Demonyo ka! " patuloy na sigaw ni Eliza basang basa na ang mukha niya sa luha. " Ano bang pinagsasabi ako ito! Eliza ano ba..huwag mo n

