CARL’s POV
“Good afternoon attorney, have a seat.” After ko tawagan kaninang umaga si Attorney Ferrer para sa mga aasikasuhin sa pag-aampon kay Angelito ay ngayon lang siya nagreport sa akin. Tama, pina-background check na din ang bata para masiguro na hindi ito ginagamit ng sindikato.
“Thank you Doc Samaniego. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, sigurado ba kayong gusto niyong ampunin ang bata?” napakunot ang noo ko sa bungad ng aking abogado.
“Anong ibig mong sabihin attorney? May natuklasan ka ba tungkol kay Angelito?” tumingin muna ito sa pintuan bago nagsalita. Nahalata ko na gusto ni attorney na kami lang ang mag-usap at mukhang confidential siguro ang natuklasan nito. “Nagpunta ng mall si Eliza kasama ang bata, kaya dalawa lang tayo naririto attorney.” Paninigurado ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa aking tahanan, sa aming library. Nagfile muna ako ng leave sa ospital para makabawi kay Eliza. Dapat kasama ako sa mall kaso tumawag si attorney at importante ang sasabihin kaya sila na lamang ang pinatuloy ko. Napansin ko na may inilapag siyang isang brown envelope at ilang folder sa aking mesa.
“Ano ang mga ito?” tanong ko sa kanya.
“Ang mga iyan ay naglalaman ng tungkol kay Angelito San Pedro. May mga ilang pictures din diyan at ilang details ng mga umampon sa kanya.”
Dahil sa napaisip ako sa sinabi ni Attorney ay agad ko binuklat ang folder.Tama nga si Angelito, apat na ang umampon sa kanya. Ang mga pamilya ay pawang mga mayayaman din na katulad ko.
Binasa ko pa ang iba at mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko, dahil iyon sa mga nangyari sa mga pamilya na umampon sa bata. Nakaagaw ng atensyon ko ang pangalan na ‘Warren Dantes’.
“Warren Dantes..” si Warren ba na batchmate ko sa medical school? Or baka kapangalan lang niya?
“Yes, Warren Dantes. Isang doktor, kung hindi ako nagkakamali parang same kayo ng pinasukang med school.”
Si Warren nga! Nabalitaan ko sa news ang pagkamatay niya o pagpapakamatay niya, pero ayon sa imbestigasyon ang baril na ginamit nito sa pagsusuicide ay walang finger print na nakuha at ang pamilya nito ay kalunos-lunos ang sinapit. Tinitingnan ang anggulo na murder ngunit walang suspect na lumulutang.
“Ayon din sa imbestigasyon na hindi naman pagnanakaw ang pakay, dahil walang anumang gamit at pera ang nawala sa kanila. Ang nakakapagtaka ay ang tanging nakaligtas sa kanila ay ang batang inampon. Iyon ay si Angelito. Natagpuan ang bata sa tabi ng bangkay ng asawa ni Warren. Nang tanungin ito kung bakit siya duguan, alam mo ba kung ano ang isinagot nito?” nababahalang tanong ni Attorney.
“---pinahiran niya ang sarili niya ng dugo, iyon ay para hindi siya makita ni Warren at pinagtatangkaan siya ng amain na patayin.”
Napapikit ako sa sinabi ni attorney.
“Lahat ng pamilya na napupuntahan ni Angelito ay maayos at pasado sa psychological exam. Ngunit ang nakakapagtaka ay kung hindi nababaliw ito..may mga nagpapakamatay. May iba na hindi nagpapakamatay pero natatagpuab na lang na wala nang buhay. At si Angelito? Lagi siyang nasa lugar ng krimen.”
Kinilabutan ako sa mga pahayag na iyon ni attorney. Posible ba ang bagay naiisip ko sa ngayon? Na may kinalamman si Angelito sa lahat ng iyon?
“Wala bang kahit isa man lang sa mga kumupkop sa kanya ang nakaligtas? Kahit isa lang para matanong?” tanong ko sa aking abogado.
“Merong isa, ngunit gaya ng sabi ko kanina may mga nawawala sa katinuan. Gaya ni Melanie. Siya ay pangalawang pamilya na umampon sa bata. Hindi na ito nakakausap ng maayos. Madalas daw na maririnig itong bumubulong na demonyo ang bata. Sa tuwing babanggitin mo ang pangalan ng bata ay magwawala na ito sa takot.”
Halos hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko mula kay Attorney. Sumasakit ang ulo ko, kaya hindi ko naiwasang imasahe ang sentido ko. Parang gusto ko magbago ng desisyon sa pag aampon kay Angelito. Ang rason? Dahil sa mga narinig ko mula kay Attorney. Paano kung mangyari sa amin ni Eliza ang mga nangyari sa pamilya na umampon sa bata? Paano kung hawak nga si Angelito ng sindikato gaya ng una kong hinala? At ito ang pumapatay sa mga nagiging bago nitong pamilya. Hindi ko maiwasang magdalawang isip, ngunit paano si Eliza? Ang mga ngiti niya, ang mga tawa niya at ang pagbalik ng sigla niya dahil sa bata! Sisirain ko ba iyon? Dahil sa mga information na natuklasan sa bata. Paano kung mali lang ang mga iyon? Eh di, nasaktan ko na naman ang aking asawa.
Ah! Sumasakit ang ulo ko sa bagay na ito. Kung kasama siya sa sindikato, baka naman mabago pa ang bata. Lalo na sa asawa ko na sobrang mabait at maalaga.
Ang daming tumatakbo sa isipan ko na alam ko hindi masasagot agad, sapagkat hindi ko gaano kakilala ang bata. Isang gabi palang namin siya nakakasama. Napakihirap ipaliwanag ang mga bagay na ‘yon, dahil ang bata ay may napakaamong mukha, napaka inosenteng tingnan at masyadong sensitive.
Angelito, sino ka ba? Anong lihim ang tinatago ng pagkatao mo?
---
Pag-uusapan muna namin ito ni Eliza, tsaka kita tatawagan attorney kapag nakapagdesisyon na kami.” Palabas na ng silid sila Carl ng dumating si Eliza kasama ang bata.
“Maraming salamat, attorney.” Kinamayan ni Carl ang abogado bago lumapit sa asawang Eliza, hinalikan niya ito sa pisngi. Nginitian naman ni Eliza ang may edad nang abogado.
“Magandang gabi po attorney,”
“Magandang gabi din Mrs. Samaniego.” Ganting bati ng abogado. “Paano mauna na ako, ginabi na kami sa pag-uusap ni doktor Samaniego.”
“Bakit hindi na kayo dito mag-dinner? Sumabay na kayo sa amin.” Paanyaya ni Eliza.
“Naku iha, maghihintay si Misis. Kaya nga ako nagmamadaling umuwi at baka magtampo iyon. Makick-out pa ako sa kwarto.”
Nagkatawanan ang tatlo sa birong iyon ng abogado.
“Mama Eliza, nagugutom na po ako.” Biglang lumapit si Angelito sa tatlong nakakatanda. Hinawakan ni Eliza ang pisngi nito at pinisil.
“Sige po, maghahanda na ako. Gusto mo ba akong samahan sa kusina?” tumango lang si Angelito. Mataman nitong minamasdan ang abogado.
“Sino po siya?”
Tanong ng bata na hindi pinuputol ang tingin sa matandang abogado. Samantala, ang abogado ay tila nakaramdam ng kakaibang takot sa bata. Hindj niya iyon maintindihan. Inosenteng tingnan ang bata ngunit tila may tinatagong hindi magandang gagawin ang bata. Tumingin ang abogado kay Carl bago sa nakangiting si Eliza. Napansin naman ni Carl ang pagkabalisa ng abogado pagkakita sa bata.
“Siya pala si Attorney, Angelito. Siya po ‘yong batang nais naming ampunin.” Masayang ipinakilala ni Eliza si Angelito sa abogado.
“Angelito, siya si Attorney Ferrer at siya ang mag aasikaso sa mga kakailanganin namin para ampunin ka.” Singit ni Carl.
Ngumiti ng napakatamis si Angelito. “Hello po, ako po pala si Angelito.”
Napilitan naman ngumiti ang abogado at pilit tinatago ang kakaibang nararamdaman para sa kaharap na paslit. “Kinagagalak kita makilala.” Sabay baling sa mag asawa “Paano, hindi na ako magtatagal. Kailangan ko na talagang umuwe. Pag usapan at pag isipan niyong maige ang desisyon niyong dalawa.”
“Ha? Anong ibig sabihin ni attorney?” tanong ni Eliza kay Carl ng makaalis ang abogado.
“Mamay na lang muna natin pag usapan iyon, sa ngayon kumain muna tayo.” Inakbayan ni Carl ang asawa at ginaya na sa kusina.
Samantala, naiwan si Angelito sa may living area at nakatingin sa pinanggalingan ng abogado. Ngumisi ito na parang may pinaplano.
“Angelito!” Biglang nagbago ang nakangising mukha niya pagkarinig sa sigaw ni Eliza.
“Po?” ganting sagot niya.
“Nasaan ka na? Tara na kakain na tayo!”
“Opo, Nandiyan na po!” at tumakbo na siya papuntang kusina.
Matapos ang masayang hapunan, sinamahan muna ni Eliza sa kwarto si Angelito. Tinulungan niya itong makapag-linis ng katawan bago pinahiga sa kama, nang makatulog ang bata ay saka naman ito iniwan ni Eliza. Pagkasara ng pintuan ng kwarto ni Angelito ay ---
“Tulog na siya?” tanong ni Carl, tinanguan naman siya ni Eliza. “Mag usap muna tayo tungkol sa pag aampon sa kanya.”
“Sige, gagawa muna ako ng kape natin at susunod na ako.”
Nauna na si Carl sa library, habang si Eliza ay nagpunta sa kusina para makapagtimpla ng kape nilang mag asawa.
Sa kasalukuyan, si Attorney Ferrer ay nagpapark ng kanyang kotse. Kararating lang niya dahil sa naipit siya sa traffic. Naisip niya na kailangan na niyang magdali, tiyak na kanina pa siya hinihintay ng kanyang asawa. Siya lamang nasa parking lot ng condominium na kanilang tinitirahan.
“Good evening po attorney,”
Nagulat ang abogado sa narinig niyang bumati! Paanong hindi siya magugulat, samantalang nasa loob siya ng kanyang sinasakyang kotse at boses iyon ng isang bata!
Hindi niya niya malingon kung sino ang nasa likod ng kanyang sasakyan, kaya dahan dahan siyang tumingin sa rearview mirror upang makumpirma ang nasa isip kung sino ito.
Pagtingin niya sa salamin ay..
“Angelito?!”
Ngumiti ang batang prenteng nakaupo sa likod ng kanyang sasakyan.
“Ako nga attorney, bakit gulat na gulat ka?” painosenteng sagot nito. Nakaramdam ng takot ang abogado dahil sa unti-unting nagdidilim ang aura ng bata. “Hindi ka ba natutuwa na makita ako?”
“A-anong ginagawa mo d-dito?” nauutal na ang abogado sa takot.
Tinaasan siya ng kilay ng bata, “bakit ako nandito? Kasi may isang ibon ang kumanta..” humagikgik pa ang bata. “..kumanta siya ng bagay na hindi dapat malaman ng ibang tao!” at biglang nanlisik ang mga mata nitong nakatingin sa abogado.
“A-anong gagawin mo sa akin?”
Hindi na maitago ng abogado ang takot na kanyang nararamdaman. Tinangka niyang buksan ang pinto ng kotse, ngunit tiningnan iyon ni Angelito at nag-lock ang sasakyan niya. Kahit anong pilit niya na buksan ito ay hindi magawang mabuksan.
“Kailangang maparusahan ang ibon na iyon, dahil salbahe siya.” Makahulugang sabi nito sa abogado.
“Maawa ka, may pamilya akong naghihintay sa akin..”
Natawa ang bata sa pakiusap nito. “pamilya? Hindi ba matagal mo nang iniwan ang pamilya mo? Sino ba ang pamilyang tinutukoy mo? Ang babaing nasa isa sa unit ng building na ito?” naniningkit ang mata ni Angelito habang nagsasalita. “Diba kabit ang tawag sa kanya? Nagsasaya kang kasama ang kabit mo, habang ang totoo mong pamilya ay nagdurusa! Hindi mo ba nararamdaman ang sakit na nararamdaman ng mga anak mo? Hinahanap nila ang pagmamahal mo!”
Napayuko ang abogado sa takot kay Angelito! Bigla kasing nagbago ang boses nito. Naging malaki na tila nagmumula sa kailaliman ng lupa!
“M-maawa ka! P-pakawalan mo na ako!”
“Magaling ka humukay ng baho ng iba, samantalang ang sarili mong baho ay pilit mong ibinabaon.” Tila walang narinig si Angelito sa pakiusap ng abogado at bumalik na ang boses nitong bata. “Hmm, teka! Bakit hindi ikaw ang ibaon ko sa hukay?” napangiti ito sa naisip na ideya. “tama! Bakit hindi tayo maglaro! Gusto ko maglaro!” natutuwang suhestiyon nito sa abogado. “gusto mong maglaro tayo?”
Nagulat ang abogado nang makita ang bata na nasa tabi na niya!
“Sumagot ka!” halos mapatalon ang abogado ng biglang magbago ang boses nito!
“O-oo! S-sige! M-maglaro na tayo!” nagmamadaling sagot ni Attorney.
“Sinabi mo ‘yan ha. Simulan na natin ang paglalaro.”
Biglang nagbago ang lugar na kinalalagyan nila, mula sa kotse ng abogado ay napunta sila sa isang malawak na dagat. Natakot ang abogado na makitang nakalutang sila sa ibabaw ng dagat. Inikot niya ang paningin, ngunit tanging tubig lang ang kanyang nakikita.
“P-paano tayo napunta dito?” tanong niya sa bata.
Tiningnan niya ang bata, relax na relax ito sa pagkakatayo sa ibabaw ng tubig.
“Lahat ay kaya kong gawin, kasama ang bagay na ito. Kahit nga ang buhay mo pwede ko nang kunin, kaso gusto ko pang maglaro.”
Umapoy ang mga mata ng bata habang nakangiti, ikinatakot iyon ng abogado.
“Simulan na natin ang laro,” tiningnan siya nito. “kasama sa larong ito ang taong malalapit sa’yo.”
“Anong pinagsasabi mo?! Bakit sila kasama dito?!” sigaw ni Attorney, na ikinatawa lang ni Angelito ng malakas.
“Para masaya ang laro natin.” Pumapalakpak pa si Angelito sa tuwa.
“Huwag mo na silang idamay dito! Ako na lang ang parusahan o patayin mo! Huwag lang sila!” angil ng abogado, ngunit umiling lang si Angelito at pumalatak.
“Hindi mo matututunan ang aral sa buhay mo kung hindi sila kasama. Isa pa, sila ang dahilan kung bakit ka nagkasala.”
Tumuro si Angelito sa kanang bahagi. Sinundan iyon ng tingin ni Attorney Ferrer. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa asawa at dalawang niyang anak.
“Daddy?! Tulungan mo kami!” sigaw ng anak niyang batang babae.
“Jaime?! Anong ginagawa namin dito?!T-tulungan mo kami!” naiiyak na sigaw ng asawa niya habang pilit nitong iniaangat ang dalawang anak sa ibabaw ng tubig.
“Tigilan mo na ito! Mamamatay ang mga anak ko!” sigaw niya kay Angelito.
Inihakbang niya ang mga paa patungo sa mga ito ngunit nagtaka siya ng bigla siyang bumalik sa tabi ni Angelito.
“Tsk, tsk! Madaya ka. Hindi ko pa sinasabing magsimula sa laro.” Akusa ni Angelito sa abogado. “tumigin ka sa kaliwa..” utos ni Angelito sa kanya.
Doon, nakita naman niya ang babaing ibinabahay niya. Ito ang dahilan kung bakit niya hiniwalayan ang asawang si Dina.
“Jaime! Tulong! Tulooong!” sigaw nito na kumakampay kampay ang mga kamay sa tubig.
“Ano bang kalokohan ito?! Bakit sila nandito?! Bakit pa sila kasali?!”
Nasabunutan na ni Attorney Ferrer ang kanyang buhok. Napaluhod na siya sa ibabaw ng tubig at hindi na napigilang umiyak. Sa kadahilanang naririnig niya ang sigaw ng tulong ng kanyang pamilya sa kanang bahagi at ng kanyang kabit sa kaliwang bahagi.
“Tulad ng sabi ko kanina para masaya. Oo nga pala, simulan na natin ang laro. Mamimili ka sa dalawa kung sino ang ililigtas mo.” Natutuwang paliwanag ni Angelito. “ang pamilya mo o ang babaing ipinagpalit mo sa pamilya mo? Isa lang ang pipiliin mo.”
“Ano ang mangyayari sa hindi ko mapipili?” tanong niya kay Angelito.
Umikot ang mata ng bata at nilapitan ang nakaluhod na abogado. Inilapit niya ang bibig sa tenga ng abogado upang ibulong ang sagot.
“Mamamatay ang hindi mo pipiliin..”
Mahina man iyon, ngunit ang pakiramdam ng abogado ay naningas ang buong katawan niya. “Sino na ang pipiliin mo? Magsimula ka na. Maari mo nang lapitan ang sinomang mapipili mo.”
Nagsimula nang tumayo ang abogado at unti-unting lumapit sa taong nasa kaliwang bahagi, kung nasaan ang kanyang kabit. Nilingon niya pa ang asawa at anak na nasa kanang bahagi.
“Daddy!” sigaw ng mga anak niya.
Hindi na tumingin ang kanyang asawa, niyakap na lamang nito ang dalawang anak na umiiyak.
“I’m so sorry Dina. Mahal naman kita eh, kaso mas mahal ko si Jane.” Tinulungan nitong makaahon sa tubig.
“Dad---!”
Naputol ang sasabihin ng anak niya ng bigla itong hilain pailalim ng dagat. Sa mga mata ng abogado ay nag-uunahang pumatak ang luha niya para sa asawa at anak. Niyakap siya ni Jane, ang babaing pinili niya kaysa sa totoong pamilya niya.
“Bakit malungkot ka? Diba ako ang pinili mo? Dapat masaya ka kasi magsasama tayo nang walang hahadlang.” Tumugon na din ang abogado sa mahigpit na yakap ni Jane. Inilayo niya saglit ang babae upang tingnan ngunit ng iharap niya ito..isang babaeng naagnas ang nasa harapan niya! Nakangiti ito ng nakakaloko. “ano mahal sasama ka na ba sa akin?” malambing na tanong nito at dahan-dahan silang lumulubog sa tubig.
“AHHHHH!HINDEEE!” sigaw ng abogado. Hindi na niya magawang makaalpas sa pagkakayakap ng kanyang kabit. Sinasakal na siya ng naagnas na babae at hinihila pababa. “Waaark! Arrkk!” hindi na makapagsalita ang abogado dahil sa pagkakasakal ng naagnas na babae. Hanggang sa lumubog na sila sa tubig.
“Ahahahaha!” malakas na tawa ni Angelito. “ang mga tao nga naman.”
SA bahay ng mga Samaniego…
“Tulog na tulog siya. Para siyang anghel na payapang natutulog.” Sabi ni Eliza kay Carl habang nakatanaw sila sa bata. Hinawi pa ni Eliza ang illang buhok sa noo ng bata. “bukas paggising mo, may magandang balita kaming sasabihin.” Nakangiting bulong ni Eliza kay Angelito. Habang si Angelito nama’y ngumiti na tila naririnig ang sinabi niya.
“Tara na, matulog na tayo.” Aya ni Carl sa asawa niya. Tiningnan din niya ang bata ngunit hindi nababahiran ng kasiyahan ang kanyang mukha. Pangamba! Iyon ang tamang deskripsyon sa kanyang emosyong ipinapakita.