I spent the past week studying, preparing myself for Westonvill Academy's entrance examination. Full support naman si Mama sa akin, inaasikaso ako na animo'y bagong silang na sanggol lang ako. Kahit nagpresenta akong magbantay ng ukayan namin ay paulit-ulit niya akong tinanggihan. “Mag-aral ka na lang diyan,” sabi niya.
“Mapagsasabay ko naman ang pagbabantay at pag-aaral,” I insisted but my mother was already waving her hand, heading outside.
Wala akong nagawa kung hindi ang sundin si Mama. While studying, I made sure that I was giving my all. Hindi pwedeng papetiks-petiks lang ako dahil dito nakasalalay ang pag-aaral ko. Pinasadahan ko ng tingin ang picture frame na nasa harapan ko. It was a picture of me and Mama last year on the beach. Our smiles were identical and I was sure that I was making the same smile while studying.
Kumpyansa ako sa aking kakayahan ngunit nang lumipas ang isang linggo at dumating na ang araw ng entrance exam, hindi mawala-wala ang kaba sa aking dibdib. I was all prepared before four in the morning. Mahaba-haba pa ang byahe kaya sinigurado ni Mama na makakaalis ako nang wala pang alas-singko. Mabuti na lang at may nagmagandang-loob na nagpresentang maghatid sa akin sa Westonvill. Binuhay ni Mang Bruno ang makina ng kotse niya at hinintay ang pagsakay ko. I looked at my mother and smiled. “Ma, alis na kami.”
“Mag-ingat kayo,” sabi niya at hinawakan ang aking mga kamay. “May God bless you, Viv. Alam kong kaya mo.”
“Sisiw lang 'yang exam na 'yan kay Byen,” masiglang sabat ni Mang Bruno. “Siya yata ang pinakamatalinong bata dito sa'tin!”
“Pero mas tatalino siya kapag kakainin niya itong cheesecake na luto ko,” sabi naman ni Aleng Lina, asawa niya. “Pampa-good luck 'to sa'yo, Byen. Kainin mo iyan bago ang exam, ha?”
Tumawa ako at tinanggap ang isang supot ng cheesecake. “Baka nga po maubos ko na ito bago pa man kami makarating sa Westonvill,” biro ko.
“Sige na. Baka maabutan kayo ng traffic sa highway. Anak, kahit ano pang resulta ng exam, alam mong proud na proud ako sa'yo.”
Niyakap ko si Mama nang mahigpit. “I'll make you prouder, Ma.”
She tapped my back three times before urging me to get in the car. Masayang kumaway si Aleng Lena sa amin ni Mang Bruno nang magsimulang umandar ang kotse. I watched my mother in the rearview mirror and remained looking at her smiling reflection until I could not see her anymore. Agad naman pinaandar ni Mang Bruno ang radyo at umalingawngaw ang With A Smile ng Eraserheads. “Mahaba-habang byahe 'to, Byen, kaya umidlip ka muna. May unan sa likuran.”
“Maraming salamat po talaga, Mang Bruno. Napakabait niyo pong mag-asawa sa amin ni Mama,” tugon ko habang inaabot ang unan. I positioned it behind me, leaning my back and closing my eyes. Pakanta-kanta si Mang Bruno, sinasabayan ang tugtog sa radyo. I grinned and listened to the music mingled with the slowly awakening streets. As I dozed off, my mother's face was everything I could see.
Nang magising ako ay tirik na ang araw. It's already quarter to eight and I couldn't believe that I slept that long at hindi man lang na-istorbo sa ingay at galaw ng kotse. Pinagsaluhan namin ni Mang Bruno ang cheesecake na ipinabaon ng asawa niya. “'Wag mong sabihin sa Aling Lena mo na nakikain ako sa cheesecake, ha?” pabiro niyang sabi.
“Basta huwag niyo rin pong sabihin na nasa biyahe pa lang tayo eh ubos na ito.”
Tumawa kami ni Mang Bruno at masayang nakinig sa radyo na ngayo'y itinugtog ang kantang Halaga ng Parokya Ni Edgar. The remainder of the trip did not make me sleepy and instead, I was fully awake. When I glimpsed the sign that said Welcome to Westonvill, my heart jolted. Hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa aking diwa ngunit alam kong kaya ko naman itong i-handle. Westonvill Academy, what's waiting for me there?
Hindi maikakaila sa aking pagkatulala ang karangyaan ng bayan ng Westonvill. Tall skyscrapers, malls, and shops jotted everywhere and the houses—mansions, actually, were too extravagant that our house would be a joke compared to them. Miss Lopez told me that Westonvill Academy was where I belonged. Looking at my surroundings right now, naisip kong mali yata siya. It was clear as crystal that people like me did not belong in this wealthy community.
Pero agad na napawi ang pagkabahala sa aking puso nang matanaw ang dalampasigan sa kaliwang bahagi ng kalsada. Nang mapansin ni Mang Bruno kung saan ako nakatingin, ngumisi siya. “Malapit sa dagat ang Westonvill Academy. Naku, Byen, araw-araw kang makakapagtampisaw sa dagat kung dito ka na papasok! 'Di ba mahilig ka sa dagat? Lagi mo ngang niyayaya na mag-beach ang nanay mo sa tuwing bakasyon.”
“Opo,” halos pabulong kong sagot habang nakatingin pa rin sa kumikislap na tubig. “I just love the sea so much.”
“Kung gano'n ay dapat mas gagalingan mo sa exam!”
Nang mabanggit ang salitang exam, tila ba may isang pares ng kamay ang humila sa akin pabalik sa reyalidad. Oo nga pala. Walang katuturan ang pagkagalak ko kung hindi rin naman ako makakapasa sa entrance exam. I shook my head momentarily, pushing away the doubt that was starting to creep into my mind. Mas walang katuturan ang pagkabahala.
A tall, silver gate met my eyes as the car slowly pulled over the roadside. Hindi ko agad napansin ang pagdating namin sa Westonvill Academy sapagkat ang buong pag-aakala ko ay puro shops at building lamang ang tatambad sa akin. “Nandito na tayo, Byen. Ala-una pa ang simula ng exam mo, ano? Kung ganoon, mainam yata na mag-ikot ikot ka muna at lumanghap ng sariwang hangin. Pagkatapos, manananghalian tayo bago ka pumasok sa campus.”
I hopped out of the car and started walking, my hands clasping the sling of my bag. Si Mang Bruno ay nagpa-iwan sa kotse upang magpahinga. Tinahak ko ang daan papunta sa dalampasigan habang nakatingin sa aking kanan, minamasdan ang matayog at sementadong bakod ng Westonvill Academy. I was not focusing on the path I was walking and this carefree act resulted in an unexpected incident. May nabangga ako o mas tamang sabihin na binangga ako.
“Watch it,” marahas na sabi ng lalaking boses.
My mouth was slightly opened, ready to utter an apology but the rudeness I received made me shut. Kailangan ko pang tumingala nang kaunti upang masilayan ang mukha ng nakabanggaan kong lalaki. If it weren't for what happened earlier, I would have greeted this tall guy with friendliness pero napasimangot ako nang makita ang mapang-insulto niyang mga mata. I threw glances to my left and right before saying, “Malaki naman ang daan at wala ring ibang dumadaan.”
“I should have made way for your idling ass, is that what you wanted me to say?”
“Yes,” I said dryly, “Because then, you would have made yourself worthy of being called a human being.”
Kung kanina ay isang magandang ideya ang suhestiyon ni Mang Bruno na lumanghap ng sariwang hangin, ngayon ay tuluyan na akong nawalan ng gana. Tahimik akong pinagmasdan ng lalaki at ginaya ko siya ngunit agad ko ring iniwas ang aking mga mata nang mapansin ang mamahalin nitong postura. Designer shirt and jeans in contrast to my blouse na buy-one-take-one at pantalon na galing sa mismong ukayan namin. Suminghap ako at mas lalong nagalit sa sarili dahil nagpatinag ako sa karangyaan niya. Nang hindi pa rin nagsalita ang tao sa aking harapan, pinasadahan ko ng tingin ang dagat sa likuran niya na ilang metro na lang sana ang layo mula sa amin. Sighing, I gave up the idea of going there and turned my back. “I'm sorry,” malakas kong sambit habang naglalakad palayo, “Not because it was my fault but because I am a decent person.”
Nagtaka si Mang Bruno sa agaran kong pagbalik. Ngumiti lamang ako at umakyat sa sasakyan. I joined him and relaxed in the car instead, listening to the radio. Saka lamang kami lumabas nang mag-a alas-onse. Nagpresenta si Mang Bruno na siya na ang magbayad sa kakainin namin na para bang hindi pa sapat ang kabutihang ipinakita niya. Alam ko ring hindi niya kami sisingilin ng pamasahe dahil palagi namang libre pagdating sa amin ni Mama. While eating at the nearby resto, I couldn't help but rewind what has happened earlier. Kung simbait pa lang ni Mang Bruno ang lalaking iyon, hindi sana napurnada ang pagpunta ko sa dalampasigan. Maybe it's not for me, I thought to myself. Baka isa itong pahiwatig na hindi ako nabibilang sa lugar na ito.
Despite my inner turmoil, I went to the entrance exam with determination. Hindi lamang ang sarili ko ang dapat kong iniisip. Mas tamang isipin ko si Mama. Tiyak na manlulumo iyon kapag nalaman niyang nag-aalinlangan ako. Dahil sa pagkabagabag, hindi ko napagtuunan ng pansin ang loob ng Westonvill Academy ngunit hindi nakatakas sa aking kamalayan ang katotohanang marangya ito. Everything in here seemed to be rich.
Isang staff na nagngangalang Miss Ortiz ang nagdala sa akin at sa ibang applicants sa gymnasium kung saan gaganapin ang examination. The desks were two meters away from each other and if my estimation was correct, mahigit sa dalawang daan kaming nangangarap na makapasok sa Westonvill Academy. This many applicants only made my tension worse and when the examination started, the pen in my hand was shaking. Ilang minuto ang lumipas bago ko napakalma ang sarili at ituon ang buong atensyon sa pasulit.
I have to make it. For me, but mostly, for my mother.