Ilang segundo kaming binalot ulit ng katahimikan sa loob ng kotse. Pakiramdam ko nasa maliit na box lang kami; ang sikip ng pakiramdam na makasama sila sa iisang lugar. "Binigay ba sa 'yo ni Trixie iyong brownies na pinaabot ko?" Gerald broke the silence. I gulped. "Oo." "Natikman mo na? I did that. Nagpaturo ako sa mama ko." "Hindi pa," tipid kong sagot. Iniwan ko iyong brownies kay Trixie nung lunch, pero inabot niya ulit iyon sa 'kin, bago mag-uwian, kaya nasa bag ko na iyon ngayon. Buti na lang pala binalik niya, I wanted to know how well was Gerald's baking skills. "Titikman mo ba?" sabat ni Nathan sa kabilang gilid ko. My brows furrowed. "What?" "Titikman mo ba iyong brownies niya?" "Anong pake mo?" Gerald spoke. Sinamaan ko siya ng tingin, bago muling tinignan si Nathan

