Gerald's POV "Shut up." She laughed and shook her head. Hindi ko maiwasang mapangiti sa pamumula ng pisnge niya. From that, I could really sense that somehow she was affected with me. Nagsalin ako ng alak sa shot glass. Inabot ko iyon sa kanya. Hindi siya nagdalawang isip na tunggain iyon. Uminit ang tainga ko sa kaisipang naghalo ang laway namin sa baso. Napasinghap ako. Aircon ang buong bahay, pero pakiramdam ko pinagpapawisan ko. Nangasim ang mukha niya; napakapit pa siya sa lalamunan niya at paulit-ulit lumunok. I laughed. "Mukhang ang tagal mo ng hindi nakakainom ah." Dumaplis ang kamay ko sa malambot niyang kamay nang kuhanin ko ang shot glass sa kanya. "Medyo nga." She slightly smiled, habang medyo asim pa rin ang mukha niyang wala atang anggulong panget. "Bakit? Pinagbabaw

