"Tinatanong ko lang 'tong lalakeng 'to kung ano nanaman ba ang ginagawa niya sa labas ng kompanya mo." Higit nanaman sa talim ng kustilyo ang mga mata ni Nathan. Napatingin ako kay Gerald. Nagtama ang mga mata namin. Worries was flashing on his eyes, pero nang tumingin siya kay Nathan, napalitan iyon ng iritasyon. "Sinabi ko na sa 'yo diba? Napadaan lang," ani Gerald sa asawa ko. "Napadaan? Ano iyon? Gabi-gabi ka na lang napapadaan dito? Hanep ah." Gerald laughed sarcastically. "Ano bang problema mo kung dumaan ako rito? Kalsada mo ba 'to ha?" "Gerald, Nathan, tama na." I gulped. Tinignan ako ni Nathan. Para nanaman siyang toro na kaunti na lang uusok na ang ilong. "Ba't ganyan ka makatingin kay Rinoa?" tanong ni Gerald na nagpanginig sa puso ko. "Anong pakialam mo? Eh asawa ko siy

