"Iniisip mo pa rin iyon?" Inabutan ako ni Gerald ng isang bote ng Tanduay ice, saka siya umupo sa tabi ko.
Binalik ko ang tingin sa building lights. Nasa rooftop ulit kami ng hotel nina Gerald; we were drinking, but not a hard drink kasi kakainom lang namin ng red horse noong nakaraan.
I shook my head. "Hindi na masyado." Tumungga ako sa bote at nanatiling nakatitig sa kawalan.
He was referring to the picture that had been spread on Twitter. In-action-an namin agad 'yon. We reported it on the faculty, and they helped us track down the one who uploaded it. Well, it was Johan's new girlfriend, that b***h! Nag-iinit ang ulo ko kapag naiisip siya. Buti nga hindi scandal ang pinost kundi magsasampa talaga ako ng kaso.
"Tama iyan. Wag mo na masyadong isipin iyon. I'm sure nakalimutan na rin iyon ng mga nakakita, one week na rin ang lumipas."
I looked at him. "Nakalimutan mo na ba?"
Umiwas siya ng tingin. He nodded.
I rolled my eyes at binalik ang tingin sa kawalan. I knew he was lying. Sa araw-araw ba naman niya 'kong nakikita at nakakausap, I was sure nasa isip niya pa rin iyong picture namin ni Johan na magkahalikan 'tapos hagip pa iyong boobs ko. Darn! I should stop remembering that.
"Alam mo buti na lang na-delete agad iyon," sambit ko. "Buti hindi na nakarating pa kina mommy kundi siguradong lagot ako."
He put his hand on my head. "Buti nga eh. Natakot din ako para sa 'yo." He sighed. "Tangina kasi, sasapakin ko na dapat iyong Johan na iyon, pinigilan mo pa 'ko."
"Tingin mo kung nasapak mo iyon, nakakapasok ka pa nga iyon?" I raised my right brow.
He laughed. "Iyon lang, baka suspended ako."
"Kaya nga eh! Kaya hayaan mo na, ang mahalaga natapos na iyong issue na iyon."
He smiled. "Thank you sa yakap mo, kumalma ako."
I looked away when I remembered hugging him. Tumungga ako ng t-ice, still looking at nowhere.
"Thank you rin, gumaan pakiramdam ko." It was hard to admit but I did.
Tumungga siya sa bote niya at tumingin na rin sa kawalan.
"So how's your heart? Healed na ba?" he asked.
I shrugged. "Healing."
Inakbayan niya ako. "You'll get there."
Tumango na lang ako at tumungga ulit. Hindi ko na nga alam kung ano na bang nararamdaman ko para kay Johan; I was angry, disgusted, sad, I didn't know anymore. Halo-halong pakiramdam ang binigay niya sa 'kin, that f**k boy, sana karmahin siya.
Hinatid ako ni Gerald sa bahay, hindi na siya bumaba sa kotse niya, dahil antok na raw siya.
Pagkapasok ko sa loob, si ate Pasita ang sumalubong sa 'kin, handing me a small envelope. Napangiti naman agad ako at dumiretso sa kwarto.
Humiga ako sa kama, bago binasa iyong sulat ni mister admirer.
Hi Rinoa,
Kamusta na ang dibdib mo? Mabigat pa rin ba? I hope you're doing okay. Wag kang mag-alala, hindi naman nagbago ang tingin ko sa 'yo. Ikaw pa rin ang pinakamagandang babae na nakilala ko, at iyong mga nagkalat ng picture mo? Sila iyong mga panget kaya ngiti ka na :))
If you were gonna ask me about my day, well okay naman ako. Oo nga pala, doon sa tinanong mo dati kung kamusta ba puso ko, hindi ko nasagot iyon noon, pero handa na 'kong sagutin iyon ngayon; alam mo na-friendzoned ako dati? Haha! Ang sakit kamo, kaya nung nabasa ko iyong sinabi mo na let's be friends, parang ayaw ko na tuloy magpakita sa 'yo, baka friendzoned nanaman ako. Double kill iyon! Kidding hahaha! (or not) ;)
O'siya, wag ka na masyadong malungkot ha. Smile my gorgeous Rinoa, as it will make not only my day, but everyone's day :)
From: secret pa rin! Haha
Abot langit ang ngiti ko hanggang sa matapos kong basahin iyong sulat niya. Nitong mga nakaraang araw, sunod-sunod talaga ang pagpapadala niya ng mga sulat kaya talagang nalibang ako sa pagbabasa at pagsasagot.
Kumuha ako ng ballpen at papel, ready to write my response.
Hi Mr. admirer!
Okay naman na ang dibdib ko, gumaan na kahit papaano. Thanks to you, napapasaya mo 'ko sa simpleng mga sulat mo :)) Salamat nga pala, hindi nag-iba ang tingin mo sa 'kin, sa kabila ng nakita mo. Natakot kasi ako na baka ayawan mo na 'ko. Haha!
Na-friendzoned ka pala dati? Grabe naman iyon! Sinayang ka nung babae? I feel bad for her na. Anyway, wag ka namang matakot makipagkita sa 'kin, tsaka ano naman kung maging friends tayo? Diba madalas doon naman nagsisimula ang lahat? ;) Let's go with the flow you know! Pakita ka na! My curiosity is eating me.
Again, I am looking forward to meet you Mr. Admirer :)
Pinasok ko sa envelope iyong tinupi kong papel. Huminga ako nang malalim, gustong-gusto ko na talagang makilala ang nasa likod ng mga sulat na 'to, but I wanted to take it slow as well; I wouldn't spoil myself.
Nagpunta ako sa computer lab nang makisuyo sa 'kin 'yong prof na nakasalubong ko, pinakuha niya sa 'kin iyong bluetooth speaker.
Hindi na 'ko masyadong pinagtitinginan ng mga students, I guess tama nga si Gerald, probably nakalimutan na nila iyong picture kong kumalat.
Walang tao sa computer lab kaya tuloy-tuloy na akong pumasok. Nasa front desk daw iyong speaker, habang naglalakad ako palapit do'n nakarinig ako ng suminghot kaya napahinto ako.
Pinakiramdaman ko ang paligid, napaatras ako nang may narinig ulit ako.
"Is there anyone here?"
Walang sumagot. Umiling ako at nagbuntong hininga. Baka guni-guni ko lang 'yon.
Tumakbo ako papuntang front desk.
"Ay palaka!" Napaatras ako nang makita ang isang lalake sa sulok sa likod ng lamesa.
Pinunasan niya ng panyo ang mukha niya, bago siya tumingin sa 'kin.
My eyes widened. "Ikaw?" It was the guy who stole a kiss from me!
Lumaki rin ang maga at mapula niyang mga mata. Sinenyasan niya 'kong wag maingay.
"Shit." Hindi ko na siya pinansin at hinanap ko na lang iyong speaker. He was creeping me out.
Tangina, asaan ba iyong speaker?
"Can you excuse me?" I sighed.
Kailangan kong tignan iyon sa drawer ng table, pero nakaharang siya. Ayoko ngang isiksik ang sarili ko at baka silipan niya pa ang palda ko.
"Anong hinahanap mo?" His voice was low. Halatang kakagaling lang sa iyak. What the f**k? Umiiyak din pala ang mga manyak.
"None of your business, just excuse me."
Suminghap siya at tumayo. Dumistansya ako sa kanya at saka nagpunta sa harap ng desk. Nakahinga ako nang maluwag nang makita iyong bluetooth speaker sa drawer.
Palabas na ako ng pinto.
"Hey!" He called me.
Pumikit ako at hindi siya hinarap. "What?!"
"I'm sorry about the kiss."
My eyes widened with what I heard. Nilaro ko ang mga daliri ko, thinking what to respond, but I ended up walking away, without saying anything.
Hindi ko alam, pero parang nakaramdam ako ng awa sa lalakeng iyon, like bakit siya umiiyak sa computer lab? Gano'n ba siya ka-heart broken sa Beverly na iyon? Whatever! He was still a kiss stealer.
"Ma'am Rinoa, sulat po ulit para sa inyo," Ate Pasita handed me an envelope.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko. I sat on my small sofa and smiled like crazy.
Hola Rinoa,
It's nice knowing that you're okay because of my letters. It actually means a lot me :))
Ikaw rin, napapangiti ako ng mga letters mo. Lalo na nung sinabi mong sinayang ako nung babaeng minahal ko. Agree ako sa 'yo, kaso baka sayangin mo lang din ako. Jk!
Olats na 'ko sa salitang nagsisimula ang lahat sa pagkakaibigan, kasi madalas doon din naman nagtatapos kaya wag na lang. Wag mo na 'kong ituring na kaibigan, kasulatan na lang :))
Soon you'll meet me and then let's see where the flow will go.
Smile na ulit, as it will make not only my day, but everyone's day :)
From: secret
As usual, para nanaman akong baliw na nakangiti mag-isa. Pumunta ako sa study table ko to write my response.
Hola Mr. admirer,
Masaya rin ako na napapangiti kita :))
But wait, paano mo naman nasabi na baka sayangin lang kita? Hindi tayo sigurado riyan hahaha! But one thing is for sure, I will treasure you.
I actually want to admit something, nakakahiya mang aminin, pero gabi-gabi akong nakangiti nang dahil sa mga sulat mo. Grabe ka na! I badly want to meet you, and hug you, and thank you personally. I am happy partly because of you :))
Still looking forward to meet you in person, my secret admirer :)
"May dala kang payong?" tanong ko agad kay Gerald pagkalabas ko sa room.
It was raining. Biglang umulan kaninang tanghali at hindi na ito huminto hanggang sa mag-uwian na kami.
He shook his head. "Wala nga eh. May dala ka ba?"
My shoulders dropped. "I didn't bring any. Kaasar naman, bigla-biglang umuulan."
He laughed and tapped my head. "Chill."
Hinampas ko iyong kamay niyang nasa ulo ko.
"Anong chill ka riyan? Pa'no tayo uuwi nito?" I sighed and started walking sa kung saan may bubong pa.
Umakbay sa 'kin si Gerald. We just walked hanggang sa makarating na kami sa kailangan naming tawirang walang bubong. It was the only way papuntang school parking.
"Pa'no tayo tatawid niyan?" Nilahad ko iyong kamay ko sa walang bubong na part at hinayaang pumatak ang mga ulan doon.
May kinuha siya sa bag niya. It was a white jacket.
"Suotin mo na 'to. Ta's sugod tayong ulan." He handed me the jacket.
My brows furrowed. "Pa'no ka?"
"Okay lang ako. Malakas naman resistensya ko." He smirked.
I punched his chest. "Sira ka talaga! Ayoko, hintayin na lang natin huminto iyong ulan. It will probably stop."
He laughed. "Baka abutin pa tayo ng siyam-siyam niyon. Dali na oh. Suotin mo na 'to."
Suminghap ako at kinuha iyong hoodie niya. Sa halip na suotin, pinatong ko na lang ito sa ulo at likod ko, nagtira ako ng space para sa kanya.
"Tara. Sumilong ka na."
Ilang segundo siyang nakatulala sa 'kin hanggang sa kumurap-kurap siya at sumiksisk sa tabi ko. He smiled and nodded. Hinawakan niya iyong kabilang dulo ng hoodie at saka kami naglakad papuntang parking.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat, basa ang mga wrist namin, medyo nabasa rin ang palda ko.
He sat on the driver's seat at inabutan ako ng panyo. "Magpunas ka muna."
"Gamitin mo na iyan; I have my own scarf."
He laughed. "Sabi ko nga." Pinunasan niya ang sarili niya, then he started driving.
The next morning, I was putting my makeup on, habang nakaupo naman si Gerald sa maliit kong sofa. Consistent pa rin talaga siya sa pagsundo sa 'kin bago pumasok.
Ate Pasita knocked on my door. May inabot ulit siyang envelope. Gerald looked at me suspiciously. Inirapan ko lang siya at saka ako dumiretso sa banyo ko.
I smiled bago ko pa man mabasa iyong letter from my admirer.
Hello Rinoa!
I am happy to hear that I am making you happy every single day, basically that's what I really wanted, to make you smile :))
Kamusta naman ang araw mo kahapon? It rained, right? Alam mo bang isa sa pinakagusto kong panahon ay iyong umuulan. Mahilig kasi akong maligo ng ulan lalo na nung bata ako, ang saya kasi haha! Rain was reminding me of my childhood memories; a nostalgia.
Nakangiti ako ngayon, skl! Kaya ikaw, smile ka rin ha, as it will make not only my day but everyone's day :)
From: sikret po ;))
Para akong baliw na nakangiti hanggang sa makarating na kami sa school ni Gerald. He kept on teasing me, but I just kept rolling my eyes on him hanggang sa pumasok na 'ko sa room ko.
Naglabas ako ng ballpen at papel, wala pa namang prof, wala rin si Trixie, so I took the opportunity to write my response.
Hi Mr. Admirer,
Oo nga eh, umulan kahapon. Unfortunately, I failed to bring my umbrella as well. Pero may kasabay naman ako, you probably know him kasi palagi ko siyang kasama.
It was Gerald :)) he let me borrow his jacket. He was such a kind guy, pero disgusting din minsan. Anyway, pareho pala tayo! Paborito ko rin ang ulan, but not always. Kapag nasa mood lang haha!
Rain sometimes makes me remember my childhood memories, but sometimes it just projects sadness to me. Basta depende talaga sa mood, pero kung ikaw iyong kasama ko sa ulan? I would be very happy for sure :))
Haha! Still eyeing to meet you in person, my secret admirer :)
"Hey Rinoa!" Trixie showed up in front of me.
Tinago ko agad sa bag ko iyong papel.
I cleared my throat. "Oh hey, why are you absent yesterday?"
"Something happened." She smiled and looked at my bag teasingly. "Ano iyang tinatago mo ha?"
My brows furrowed. "What are you talking about?"
"May sinusulat ka kanina, nakita kitang nakangiti!"
I looked around, mukhang wala namang pake iyong mga block mates namin at may kanya-kanya silang usapan.
"I don't know what you're talking about." I shrugged.
She sat on the chair beside me. "Sinungaling! Ano nga iyon? Let me guess... sinusulatan mo ulit si secret admirer mo 'no?"
I rolled my eyes, pero napangiti pa rin ako. "Fine, oo na! And so?"
She giggled. "Curious na talaga ko kung sino iyang mystery guy na iyan. Tagal ninyo ng nag-uusap sa sulat ha, di pa ba kayo magkikita?"
I shrugged. Nilaro ko iyong bellpen na ginamit ko kanina.
"Hindi ko alam kung ready na ba 'kong makilala siya."
I was always saying that I was looking forward to meet him, but I was also nervous if that day would finally happen.
"May pagano'n?" Trixie laughed. "Daming arte ha! Kung ako sa 'yo nakipagkita na ko riyan."
I rolled my eyes. "Baka nga pati siya hindi pa ready."
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "So ano? Hanggang sulat na lang gano'n?"
My brows furrowed. "That's not what I'm saying."
"Eh ano? Makipagkita ka na kasi sis. Malay mo gwapo pala, jackpot!"
I rolled my eyes. "Wala na 'kong pake sa histura; tignan mo nga si Johan, gwapo nga, manloloko naman."
She laughed. "Yuck! Di naman gwapo iyon, mukha ngang adik eh. Nabulag ka lang ng pag-ibig.
I glared at her. "Whatever!"
Maloko nanaman siyang ngumiti. "Hala pinagtatanggol pa, s**t 'di ka pa move on?"
"What?!" I rolled my eyes. "Hindi ko siya pinagtatanggol 'no, at isa pa wala na 'kong pake sa kanya, kay mister admirer na lang."
Her lips parted, pati ako nagulat sa sinabi ko.
"O.m.g, so may gusto ka na sa kasulatan mo? s**t Rinoa!" She laughed, shaking her head.
"Ha? Wala akong sinabing gano'n." I defended myself.
"You just said it! Sabi mo sa mister admirer mo na lang ikaw may pake. So nagkakagusto ka na nga sa unknown human na 'yon?"
Lalong nagsalubong ang kilay ko. "I don't know what you're talking about."
She smirked. "Look at you Rinoa, blubbering."
"I'm not!"
Natahimik kaming lahat nang dumating iyong prof. Inirapan ko na lang ulit si Trixie at saka ako tumahimik para makinig.
But I couldn't even focus listening! Nasa isip ko iyong kasulatan ko. Para akong tinamaan sa sinabi ni Trixie, oh my gosh, I was liking mister stranger.
I sighed. There was no need to panic. Normal lang naman magkagusto, it was just an infatuation. Ang kailangan kong bantayan, iyong puso ko. I shouldn't fall for him hanggat hindi ko pa siya nakikilala nang buong-buo.
Hindi ako makatulog, paikot-ikot ako sa kama ko. Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Trixie, she advised to me na makipagkita na 'ko sa kasulatan ko at sa personal na namin kilalanin ang isa't isa. That would be better specially now that I was starting to feel something strange.
Huminga ako nang malalim at bumangon. Nagpunta ako sa study table ko. Right, it wasn't that bad making the first move after all. I deserved to meet him in person kahit pa medyo nakakakaba.
Pumikit ako at humugot ulit ng malalim na hinga, bago simulan ang pagsusulat.
Hey my secret admirer,
Hindi ako makatulog, guess why? Iniisip kasi kita. Yep, you're bothering me na, but not in a bad way, so chill ka lang haha!
Kanina ko pa iniisip, gusto ko na talagang makilala ka sa personal. I hope it's okay for you. Hindi naman tayo hanggang sulat lang diba? Since you're shy to me, ako na ang magse-settle ng date.
Sunday, the day after mo 'tong mabasa, kita tayo sa mall malapit sa school natin, maghihintay ako sa Mcdo. Kahit anong mangyari, I'll wait. Let's make that a deal; kapag dumating ka, we're good, we will continue our communication, kapag hindi ka dumating, then I guess hanggang sulat ka lang talaga, so I'll stop entertaining you na. We don't want to waste time, don't we? :)
Again, maghihintay ako hanggang gabi, hanggang sa magsara iyong mall. If you came, I would be very happy, if you didn't I would probably be sad, but it will definitely passed.
So... yeah! Hoping to see you on Sunday Mr. Admirer ;) It's Sunday or never! :))