Gerald's POV "Tangina bro! Seryoso ba iyan?" "Oo, hayop. Bahala na kung anong mangyari, basta aamin ako bukas. Wala ng urungan 'to." Jasper laughed. "Iyan ganyan, bro! Umamin ka na. Sigurado ka ba riyan? Baka mamaya umurong nanaman dila mo." "Hindi na. May plano na 'ko. Tulungan mo 'ko." "Gago, kabado ako 'pag ikaw nagpaplano ah." "Seryoso, kailangan ko ng tulong mo." "Sige. Ano bang gagawin mo?" "Ganito...." Sinabi ko kay Jasper ang plano. Buti naman at sumang-ayon siya sa naisip ko. Hinampas ko ang dibdib kong lalong sumikip. Na-imagine ko ang sarili kong umaamin sa kanya, at tangina, pakiramdam ko sisigawan niya lang ako o babarahin, pero bahala na. Susugal ako. Kailangan kong tumaya para sa pagmamahal ko sa kanya. I-reject niya man ako bukas, ayos lang. Ang mahalaga nasa

