"Okay nga lang, Rinoa. I did that because I wanted to, so stop feeling sorry," ani Gerald matapos kong paulit-ulit na nag-sorry habang nililinis ko ang sugat niya. Nakaupo kami sa sofa sa may sala. Inabot sa 'kin ni manang ang bulak at gamot sa sugat. Hindi ko maiwasang hindi mapasinghap sa tuwing napapatingin ako sa sugat ng labi niya. Dahan-dahan ko iyong tinapik ng bulak na may gamot. Bahagya niyang naatras ang mukha niya. "I'm sorry." Mas ginaanan ko pa ang kamay ko sa bawat pagtapik ko ng bulak sa gilid ng labi niya. "Bakit ba binuksan mo pa ang gate, Gerald?" tanong ni manang. "Hindi mo na dapat siya hinayaang makalapit sa 'yo." "Sorry, manang. Nanggigil kasi ako; gusto siyang sapakin ng kamao ko, hindi ko po napigilan." "Iyan, pati ikaw nasapak tuloy." Bumuntong hininga si ma

