Days before Gerald discovered that Nathan was cheating. Gerald's POV "Oh Gerald, gumagawa ka nanaman ng brownies?" Lumapit sa akin si manang; pinanuod niya akong ilagay sa isang box ang matatamis na brownies na gawa pa mula sa puso ko. I smiled. "Opo, manang. Paborito po 'to ni Rinoa diba? Dadalhan ko ulit siya." Binalot ko ng ribbon ang box para mas magmukha itong special, dahil mahalaga ang babaeng pagbibigyan ko nito. "Si Rinoa pa rin, ijo?" Napatingin ako kay manang. Simula pa lang noon alam niya ng may pagtingin ako kay Rinoa. Bata pa lang ako, si manang na ang madalas kong kasama sa bahay kaya naman kahit pa sa unti-unting pagkulubot ng balat niya ay kilalang-kilala niya pa rin ako. "Magkaibigan po kami." Pinigilan kong lumabas ang pait sa ngiti ko. Hindi naman na ako umaas

