"Tita, tito, good morning po." Nagmano ako sa magulang nina Gerald bago ako umupo sa isa pang sofa kaharap sila. Gerald sat beside me. "Kamusta, Rinoa?" tanong agad ni tito. Nakatingin ako sa mga daliri kong nilalaro ko. Hindi ako makatingin sa mga mata nila. Nakakahiya; alam kong alam nila kung paano nasaktan si Gerald sa akin at kung paano niya ako tinulungang makalayo sa asawa ko. "Okay lang po, tito. Kayo po?" Napalunok ako. Tinapik ni Gerald ang hita ko kaya napatingin ako sa kanya. Binigyan niya ako ng ngiti na tila ba nagsasabing wag akong kabahan dahil okay lang ang lahat. Kahit papaano'y nakakagaan sa pakiramdam ang maaliwalas niyang mukha. "We're okay, as well. Nabalitaan namin ang nangyari sa inyo ng asawa mo. How are you? For real." tanong ni tita. Sa tagal ko silang hin

