NANATILING NAKATAYO si Rogue, ramdam ang pamimigat ng panga mula sa suntok ni Logan. Ngunit higit pa sa sakit ng laman ang kumakain sa kanya, ang mga salitang iniwan nito. "Alamin mo muna ang katotohanan bago mo ako pagbintangan." Paulit-ulit itong umuukit sa isip niya. “Logan,” mariin ang boses ni Rogue, halos pasigaw, “what the hell are you saying? Anong ibig mong sabihin?” Ngunit hindi gumalaw si Logan. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya ng malamig. “I don’t owe you explanations, Rogue,” matalim nitong sabi.“Kung mayroon kang gustong malaman… huwag mo sa akin itanong. Ask your wife. Ask Selestina.” Parang tinamaan ng sibat ang dibdib niya. “You’re lying.” Mariin ang tinig ni Rogue, kahit siya mismo ay hindi sigurado kung kanino niya ito sinasabi, kay Logan ba o sa sarili niy

