Umupo si Rogue sa kanyang swivel chair, marahang iniikot ito pakaliwa’t pakanan habang tila ba nalulunod sa sariling mga isipin. He looked older now, more mature, and more handsome. Tumunog ang kanyang telepono at agad niya itong dinampot. Sa bawat kilos ay may dalang pino at elegante, ngunit sa likod ng anyong iyon ay nakatago ang isang lalaking wasak, isang lalaking puno ng kapahamakan. "Any updates?" he asked gently but firmly, his voice filled with eagerness. "Gusto kong malaman ang buong detalye, Gael." Lahat ng binayaran ni Rogue ay wala pa ring linaw sa paghahanap kay Selestina. "None, sir. Para bang bigla na lang siyang naglaho na parang bula sa ibabaw ng mundo—" before his investigator could finish, Rogue abruptly ended the call. "Selestina, nasaan ka ba talaga?” mariing tan

