“BITAWAN MO nga ako,” madiin niyang utos. Hinila niya ang braso dito, at pinilit kumawala pero mas humigpit lamang ang kapit ng lalaki. “Not until you listen.” “Wala na akong gustong marinig, Rogue. Nakuha mo na ang gusto mo, DNA test, ang katotohanan. Congratulations, may anak ka na. Ano pa bang kulang?” halos pasigaw niyang tanong at marahas na hinablot ang braso sa lalaki. Mariing pumikit si Rogue. Nang dumilat, huminga ito ng malalim na para bang pinipigilan ang sariling sumabog. “Selestina… I didn’t do this to hurt you,” simula ni Rogue, tinatanggal ang tensyon sa kanyang katawan. “Kumuha ako ng sample kay Elijah dahil ayaw kong mamuhay sa kasinungalingan. All my life, I thought I could never bear a child. I believed it because of what the doctor told me. That’s why I never claime

