Alexie's POV "Ma'am, sir, nandito na po ang mga magulang ni Ms. Alexie," sambit ng katulong. Nandito kami nila Raymart sa garden ng bahay. May bilog na lamesa dito sa garden at dito napili nila mommy na pag-usapan ang tungkol sa kasal namin ni Raymart. "Sige, papasukin mo," sambit ni daddy. Tumango ang katulong at naglakad na palabas ng garden. Ilang minuto lang ang lumipas at bumalik ang katulong kasama ang daddy ko at ang mangkukulam na si Lorna. Bakit pa siya nandito? Pamilya ko ba siya? Ang kapal naman ng mukha niya! Kasing kapal ng kilay at buhok niya. Mukhang wig pa nga ang buhok niya. Kung hindi ko lang alam na maalaga sa buhok ang mangkukulam na 'to baka inisip ko ng wig lang ang suot niya. "Bakit nandito ang madrasta mo?" bulong sa akin ni Raymart. "I don't know," I answer

