Alexie's POV Nasa loob na kami ng sinehan at magkatabi kami ni Raymart. Nararamdaman ko ang mga mata ni Raymart na nakatingin sa akin habang nanonood ako. 'Yung totoo, ano ba talaga ang pinapanood niya? 'Yung palabas o ako? Wala namang dapat na panoorin sa akin pero ang mga tingin niya ay nasa akin lang hanggang sa makalabas kami ng sinehan ramdam ko ang tingin sa akin ni Raymart. Hindi ko alam kung bakit tingin siya ng tingin sa akin pero sa totoo lang naiilang na ako. 'Yung mga tinginan kasi niya halatang may ibig sabihin. Para bang may gusto siyang gawin sa akin. Gusto niya ba kong halikan?! Ilang araw din siyang hindi nakahalik sa akin kaya baka 'yun ang tinitingin-tingin niya kanina pa. "Restroom muna ko," pagpapaalam ko sa kanila. Kailangan ko munang mag bawas at baka mamaya maih

