Alexie's POV "Bilhin natin 'to. Pati na rin ito. Ito pa. Isama na rin natin ang mga sapatos na 'to," sambit ni Raymart habang naglalagay ng mga damit at sapatos para sa baby girl namin. Tuwang-tuwa siya habang pinupuno ang cart namin ng mga damit at sapatos ng baby namin. Para siyang bata habang masayang pumipili ng damit ng baby namin. Hindi ko akalain na magiging masaya siya ng ganito sa pagpili lang ng damit ng magiging baby namin. "Hindi ba parang masyadong madami na ang binibili natin? Halos maubos na ang tindang damit ng shop na 'to." Inilibot ko ang paningin ko sa buong baby's shop at halos makalbo na ang mga 'to dahil nasa cart na namin ni Cart. Hindi lang isa ang cart namin dahil panglima na 'to at ang apat ay nasa cashier na at inaayos na ng mga sales lady para bayaran. Napap

