Alexie's POV "Alexie, isuot mo na muna 'to bago tayo pumasok sa pabrika," saad ni Raymart na may hawak na hard hat. "Akin na isusuot ko," sambit ko. Imbis na iabot niya sa akin ay iba ang ginawa niya. Siya mismo ang naglagay sa ulo ko ng hard hat at siya rin mismo ang nagkabit ng lock nito. "Palagi mong tignan ang nilalakaran mo. Mabato dito kaya pwede kang matapilok," pagpapa-alala niya sa akin. "Opo," nakangiting sagot ko at humarap na ako kay Manong Unyo. Si Manong Unyo ang namamahala sa pabrika namin. Matagal ng katiwala ni daddy si Manong Unyo kaya malaki na rin ang tiwala ko sa kanya. Siya rin ang mas may alam sa mga kalakalan na nangyayari sa loob ng pabrika naman at ang palaging taga report. "Pumasok na tayo sa loob," magalang na saad ko kay Manong Unyo. "Sige po ma'am,"

