Hansel Lagman "Oo, sasama ako sayo King ayaw kong mamatay ka dahil sa tuluyang panghihina mo dito sa mundo namin para lang makasama ako wala na rin naman akong maiiwan dito dahil wala na akong pamilya tanging ikaw na lamang ang meron ako ngayon" marubdob na saad ko sa kanya at kitang kita ko ang pagningnign nang mata niya saka sumilay ang magandang ngiti mula sa labi niya at kaagad akong ikinulong sa mga bisig niya at yinakap nang mahigpit. Pinaghahalikan pa niya ang tuktok nang ulo ko habang ramdam na ramdam ko ang kasiyahan niya "salamat babe wag kang mag alala poprotektahan kita at mamahalin nang buong puso at mas higit pa sa buhay ko ganon kita kamahal" saad niya at inilayo ako nang konti sa pagkakayakap niya saka siniil ako nang mainit at puno nang pagmamahal niyang halik.

