Episode 32 Hindi parin ako makapaniwalang dito na titira si Alec sa aking condo unit. Bago pa siya matapos sa kanyang niluluto ay bumalik muna ako sa aking kwarto at naligo. Nang matapos na akong maligo at mag ayos ay tinawagan ko muna si Daddy, mabalis niya naman itong sinagot. “Good morning, my daughter.” Bati ni Dad nang masagot niya ang aking tawag. “Dad, alam mo ba ang tungkol sa paglipat ni Alec sa condo unit ko?” tanong ko kay Dad. “Yes, Naime. Nagpaalam sa akin si Alec no’ng nakaraang araw. Maganda naman ang intension niya kaya pinayagan ko na. Why? Nandyan na ba siya sa unit mo?” Napahawak ako sa aking noo bago sagutin si Daddy. “Yes, Dad. Uhm… ibababa ko na po ang tawag kasi kakain na po ako. Thank you po sa pag sagot.” Sabi ko at pinatay na ang tawag. Huminga ako ng malal

