Episode 9

1821 Words
Episode 9 Pagkatapos akong samahan ni Clarisse sa magiging kwarto ko dito sa Mansion ng mga Coleman ay lumabas ulit ako upang makipag-usap kay Tita Rachel. Sabay kaming kumain ng hapunan at nag kwentuhan bago kami matulog. Nang magising ako ay pumunta muna ako sa CR dito sa kwarto na tinulungan ko sa mansion at nagbihis. Hindi na muna ako papasok sa trabaho ngayon kasi gusto ko muna mag stay dito. Nang lumabas ako sa aking kwarto ay bahagya akong nagulat nang makita ko si Alec na nakaabang sa labas. Napataas ang aking kilay at bahagyang lumapit sa kanya. “Are you waiting for me?” nakangisi kong tanong. Malamig siyang nakatingin sa akin. “Why are you here?” Napakunot ang aking noo. “Bakit, hindi ba ako pwedeng pumunta dito?” Naguguluhan kong tanong. “Don’t act like you didn’t know why I’m here talking to you, Naime. Did you say something to Clarisse?” Nanginginig ako sa inis kay Alec habang nakatingin sa kanya. “Your mom invited me here because she’s worried about me, okay.” I said. “You didn’t answer my question.” “I answered it! Are you deaf? You asked why I am here, and I answered your question!” He sighed. “The other question, did you say something to Clarisse?” Napaiwas ako ng tingin. “Why do you care?” “I care because—” “Because you love her? Yes, I know that.” I bitterly said. “Look, Naime, walang kinalaman dito si Clarisse. Kaya please, ‘wag mo siyang idamay sa mga laro mo.” Hindi ko mapigilang masaktan at mainis sa kanyang sinabi. “I’m not playing, Alec. I’m in love with you!” I shouted. Napahawak siya sa kanyang beywang at huminga ng malalim bago ako tinignan ulit. “Alam mo na ang sagot ko diyan,” malamig niyang sabi. Napakagat ako sa aking labi upang hindi tumulo ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. He didn’t hugged me back kaya mas lalo ko siyang niyakap. Napasandal ako sa kanyang dibdib at napapikit. Naramdaman ko din ang maliit na butil ng aking luha na lumandas sa aking mukha. “Ikaw lang ang lalaking minahal ko simula bata pa ako, Alec. I always watched your tournaments in basketball kasi gusto kita laging nakikita. I didn’t had a chance to come near you because you’re too busy in your life and I’m just a high school girl.” Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. “But now, I’m already a successful woman. I have my own businesses and my own money.” Nakangiti kong sabi habang tuloy-tuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha sa aking mata. “Well, congratulations.” Malamig niyang sabi, at inilayo ako sa kanya. Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. “I love you, Alec.” “I know, you said that earlier.” Parang wala lang sa kanya. He’s heartless. Napatingin ako sa kanyang likuran at nakitang papalapit dito si Clarisse. Nakaisip ako nang gagawin upang makabawi sa pananakit ni Alec sa akin. I grabbed him and kissed him in the lips passionately. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Alec. Mas nilapit ko pa siya sa akin at mas pinalalim ang halik. Nakita kong natigilan si Clarisse nang makita kaming dalawa ni Alec. Nahulog niya ang kanyang dala na basket kaya mabilis akong inilayo ni Alec sa kanya at itinulak. Mabilis siyang napalingon at nakita ko ang kanyang gulat. Napakurap si Clarisse at mabilis na kinuha ang basket na nahulog niya. “S-Sorry po…” mahinang sabi nito at nagmadaling umalis. “Clarisse!” Aalis na sana si Alec nang mahawakan ko ang kanyang braso. Tinignan niya ako nang masama at marahas na tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya. “Don’t touch me.” Malamig at madilim niyang sabi at nagmadaling umalis para habulin si Clarisse. Napatingala ako at napahikbi ulit. Nang tumigil na ako sa aking pag-iyak ay hinanap ko si Alec na hinahabol si Clarisse ngayon. Hindi ako makakapayag na gaganituhin lang ako ni Alec. Hinanap ko sila sa loob ng mansion pero hindi ko sila nakita. Lumabas ako para hanapin sila, at nakita ko sila sa may likod nang mansion kung saan walang gaano na tao ang pumupunta. Nakita kong hinawakan ni Alec ang pisngi ni Clarisse habang si Clarisse naman ay umiiyak ngayon habang nakatitig kay Alec. Napayukom ako sa aking kamao habang nakatingin sa kanila. Hindi ko mapigilang mainis at magalit habang nakatingin sa lalaking mahal ko kasama ang babaeng mahal niya. Nang hindi ko na mapigilan ang aking sarili ay padabog akong lumapit sa kanila. “Walang hiya ka!” sigaw ko kay Clarisse at hinila ang kanyang buhok at hinila siya palayo kay Alec. Napatili si Clarisse habang hinawakan ang aking kamay upang patigilin ako. Pero masyado akong kinain sa aking selos at galit ngayon kaya sinabunotan ko siya. Narinig ko ang pag tawag ni Alec sa aking pangalan at lumapit sa akin upang mailayo ako kay Clarisse. “Mang-aagaw ka! Malandi ka!” galit kong sigaw habang sinasabunotan pa rin si Clarisse. “Naime, stop it!” sigaw ni Alec. Nang mailayo na ako ni Alec kay Clarisse ay nagmadali siyang lumapit kay Clarisse at inilalayan ito. Habang ako naman ay hinihingal at galit pa rin na nakatingin sa kanilang dalawa. Nakayuko ngayon si Clarisse habang sabog ang buhok sa aking pagsabunot sa kanya. “Why did you do that?!” galit na sigaw ni Alec. “Kasi malandi siya!” sigaw ko at napatingin kay Clarisse. Nakita ko ang panginginig at takot sa mukha ni Clarisse. “M-Miss Naime, ‘wag niyo po sana sabihin kay Ma’am Rachel.” Nanginginig na sabi ni Clarisse habang takot na nakatingin sa akin. Napangisi ako habang nakatingin sa kanya. How pathetic. “Clarisse!” sigaw ni Alec habang nakatingin dito. Malamig kong tinignan si Clarisse at bahagyang lumapit sa kanya. “Takot ka palang malaman ni Tita Rachel ang totoo, pero bakit mo nilandi ang Alec ko?” mapang-asar kong sabi. “Naime, let’s talk.” Madilim na sabi ni Alec at hinawakan nang mahigpit ang aking braso. Napaaray ako at galit na napatingin sa kanya. “Bitawan mo ako!” “Mag-usap tayo!” galit niyang sigaw at hinila ako palayo kay Clarisse na tulalang nakatingin sa amin. Nang makalayo na kami kay Clarisse ay agad niya akong marahas na binitawan. Napahawak ako sa aking braso na hinawakan niya at nakita itong namumula ngayon sa higpit ng kanyang pagkakahawak. “Ganyan ba tratuhin ng bodyguard ang binabantayan niya?” tanong ko. Umigting ang kanyang panga at galit akong nilapitan. “I’m quitting my job. Ayaw na kitang makita, ayaw na kitang makasama.” Madilim at malamig niyang sabi. Natigilan ako sa kanyang sinabi at napailing. “N-No. Hindi pwede! Hindi papayag si Daddy at Tito Anderson!” Ngumisi siya sa akin. “They can’t stop me. Hindi nila ako pinilit na maging bodyguard mo. Yes, si dad ang dahilan kung bakit ako ang bodyguard mo, but he doesn’t have a power to decide what I want.” Muli akong napaiyak at napahawak sa kanyang kamay. “No, please. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mawala ka. Ngayon lang ako napalapit sa iyo kaya kailangan kong ipakita na seryoso ako sa pagmamahal ko.” Umiiyak kong sabi. Bahagya siyang lumayo sa akin at tinignan ako ng masama. “Stop it! You’re crazy and desperate, Naime! And I don’t like it. Stop it, okay? Bago ako mawalan ng respeto sa iyo.” Malamig niyang sabi at tumalikod sa akin at nagsimulang maglakad papalayo. Hina akong nakatingin sa kanya ngayon na papalayo sa akin habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng aking mga luha sa aking mukha. Wala sa sariling naglakad ako papalabas sa kanilang mansion. Nang makalabas sa gate ay nagsimula akong maglakad papaalis sa mansion ng Coleman habang umiiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko o kung saan ako pupunta ngayon. Hindi ko dala ang aking bag at ang nasa aking bulsa lang ngayon ay ang aking cellphone, at walang pera kahit peso. Pinunasan ko ang aking luha habang patuloy pa rin sa paglalakad. Bahagya akong nagulat nang may biglang tumigil na van sa aking tabi. Nang bumukas ito ay hinila ako nang dalawang lalaki papasok sa loob. Napasigaw ako sa gulat at pinilit na makaalis at makalabas sa van. “Potangina, patahimik niyo ‘yan!” Rinig kong sabi ng lalaki na nakaupo sa front seat. Natigilan ako sa aking ginagawa nang may nilagay sila sa aking ilong kaya nawalan ako ng malay at nang hina. “Baka mapahamak tayo dito, Cardo!” “Hindi nga. Wala namang nakasunod na bodyguard sa kanya kanina kaya sigurado akong hindi tayo mapapahamak dito.” Napamulat ako sa aking mata nang maramdaman ko ang sakit ng aking ulo at ang maingay na boses ng mga lalaking hindi naman pamilyar sa akin ang boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa isang van ako ngayon. Nasa likod ako at may nakita akong lalaki sa aking tabi na natutulog habang nakanganga. Habang ang dalawa namang lalaki ay busy na nag-uusap sa harapan habang patuloy pa rin na umaandar ang sinasakyan namin na Van. May nakatakip na tape sa aking bibig ngayon kaya hindi ako makapagsalita. Nakagapos din ang aking mga kamay ngayon sa harapan. Napatingin naman ako sa aking bulsa nang maalala kong dala-dala ko pala ang aking cellphone. Tatawagan ko si Alec. Wala akong pakialam kung galit siya sa akin ngayon. Pero gusto kong mabuhay! Bata pa ako para mamatay at gusto ko pang maikasal sa lalaking mamahalin ako ng sobrang-sobra. Mabilis ko lang matatawagan si Alec kapag ginamit ko ang aking cellphone. Kasi kapag pinindot ko ang number one sa dial number ay atomatikong makokonek ito sa numero ni Alec. Tahimik ako ngayon na pinipilit na makuha ang aking cellphone sa aking bulsa. Nang makuha ko na ito ay nagmadali akong pinindot ang number one. Nag ring ang number ni Alec pero matagal niya itong hindi sinasagot. Muli ko itong tinawagan at ilang minuto na pag ring ay sinagot na niya ito. Please help me, Alec. Naiiyak kong sabi. “Siguradong tiba-tiba tayo sa anak ni senador nito, bossing.” Natatawang sabi ng isa sa mga lalaking nasa harapan. Nakatingin lang ako ngayon sa aking cellphone at nakitang hindi pa rin ito binabaan ni Alec. “Tangina, boss! May cellphone!” Nanlaki ang mga mata ko nang kinuha nang lalaki ang aking cellphone at mabilis itong itinapon sa labas ng van. Umiiyak ako ngayon habang nakatingin ng masama sa kanila. “Patulungin mo ulit ‘yan!” sigaw ng isang lalaki. Napailing ako habang tuloy-tuloy pa rin sa pag-iyak. May pinaamoy sa akin ang lalaki kaya nawalan ako ng malay at hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD