Episode 54 “Mahal kita, Naime. Mahal na mahal kita.” Sabi ni Alec habang nakatingin sa aking mga mata. Umurong naman bigla ang aking mga luha nang maalala kong hindi niya pala ako naaalala. Huminga ako nang malalim at pinunasan ang aking luha. Malamig ko siyang tinignan. “You didn’t love me.” Malamig kong sabi. Kumunot ang noo ko. “Mahal nga kasi kita!” “Hindi nga kasi!” inis kong sabi. Ang kulit naman. “Bakit parang mas marunong ka pa sa akin, huh?” inis niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay. “Sige nga, sabihin mo nga sa akin kung bakit mo ako mahal?” pag hahamon ko sa kanya. Nakita ko naman na napalunok siya sa kanyang laway at napaiwas ng tingin. “Nasabi ko lang, at nararamdaman ko na mahal talaga kita.” Sabi niya at muli akong tinignan. “Hindi mo nga ako naalala tapos s

