Episode 60 The Last Episode of Seducing My Bodyguard ALEXANDER OREN COLEMAN’S POINT OF VIEW. “Hindi niya man sabihin sa ibang tao, pero miss na miss ka na niya, Alexander.” Sabi ni Isabelle sa kabilang linya. Kausap ko siya ngayon at nasa Canada siya kasama ni Naime. Dalawang buwan na ang nakalipas nang umalis si Naime dito sa Pilipinas at iwan ako. Kahit ayaw kong umalis siya at iwan ako ay wala akong magawa, kailangan niya munang malayo sa problema at mag focus sa pag aalaga sa anak namin. Kailangan ko din ipagpatuloy ang therapy ko upang mabilis na bumalik ang aking ala-ala. Isang buwan ang nakalipas noong umalis si Naime ay bumalik na lahat ng aking mga ala-ala, mula sa simula hanggang sa araw noong nabangga ako ng kotse habang nililigtas si Naime. Nang mga araw na iyon ay parang

