Episode 57 WARNING: RATED SPG. THIS IS A RATED 18+ EPISODE. PLEASE READ YOUR OWN RISK! Nag paalam ako kay daddy sa plano kong pag punta namin ni Alec sa Siargao. Noong una ay hindi payag si Daddy sa aking gusto na pagbalik doon. Nag aalala siya sa kalagayan ko at sa kalagayan ng anak ko, pero sinugurado ko naman kay Daddy na mag iingat ako at babantayan din ako ni Alec. Walang nagawa si Daddy kundi ang payagan kamng dalawa ni Alec. Nakasakay kami ngayon sa helicopter ng mga Coleman. Pinayagan din agad kami nila Tita Rachel at Tito Anderson sa pagbalik namin sa Siargao. Masaya si Tita kasi baka madaling makabalik ang ala ala ni Alec kapag magkasama kaming dalawa at maging masaya. Naikwento ko kay Alec na nag commute kami papunta sa Siargao noong nagbakasyon kaming magkasama. Gusto ko s

