Episode 6

1936 Words
Episode 6 NAIME'S POINT OF VIEW. Hindi porket mahal ko si Alec ay hindi na ako pwedeng magalit at mainis sa kanya. Sa ngayon ay ayoko muna siyang makita. Pagkatapos nang nangyari noong gabing iyon ay hindi na ako lumabas sa aking kwarto at baka nasa labas pa siya. Matagal din akong lumabas no'ng mag umaga, kahit gutom na gutom na ako. Pero laking pasalamat ko ng paglabas ko sa aking kwarto ay wala na siya. Dahil wala ako sa mood ay kumuha lang ako ng noodles at kinain ito. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa aking kwarto at tinawagan sila Isabelle at Kira. Mabilis din nilang sinagot ang aking tawag. Nag video call kaming tatlo pero hindi ko binuksan ang aking camera, sila lang dalawa. “Naime, okay ka lang?” tanong ni Kira. Kita ko sa kanyang likod na nasa opisina siya. Naistorbo ko yata siya. “Girl, why so dark?” nakakunot ang noong sabi ni Isabelle. Nakita kong nasa garden siya ngayon sa kanilang bahay. “I feel cheated, girls.” Mahina kong sabi at nagsimula nang umiyak. Nakita ko sa mga mukha nila ang pagkataranta. “Naime, saan ka ngayon, pupuntahan kita!” tarantang sabi ni Kira at nagligpit ng kanyang mga gamit sa kanyang desk. Nakita ko rin na napatayo si Isabelle at napatakbo papasok sa kanilang bahay. “Nasa condo ako ngayon,” mahina kong sabi. “Okay. Huwag kang gagawa ng masama diyan, ah? Stay still!” sabi ni Kira. Kinakausap nila ako ngayon na kumalma lang habang sila naman ay parang tanga na halatang natataranta habang papunta dito. Sila siguro ang kailangan dapat na kumalma. Makalipas ang ilang minuto ay magkasunod na dumating si Kira at Isabelle sa aking condo unit. Uupo na sana sila sa couch kung saan doon nangyari ang kababaglaghan kagabi pero pinigilan ko sila. Pinaderetso ko na sila sa aking kwarto at doon ko sinabi kung bakit ako matamlay ngayon. Una ko na kinuwento sa kanila ‘yung nangyari sa Coleman’s Mansion. ‘Yung nakita ko si Alec na hinalikan ang katulong nila na si Clarisse. “Kaya ka pala nireject ni Alec.” Sabi ni Isabelle. Huminga ako nang malalim bago magsalita ulit. “Kaya gumawa ako ng paraan para umalis kami doon at hindi ulit sila magsama. Hinatid niya ako dito sa condo tapos biglang umulan ng malakas, then….” Hindi ko tinuloy ang aking sasabihin at napatingin kay Kira na seryosong nakatingin sa akin. Pinanlakihan niya ako sa kanyang mga singkit na mata. “Girl, just say it! Hindi na ako bata, okay? Alam kong rated SPG ‘yan kaya handa na ako.” Natawa kaming dalawa ni Isabelle at muling nagseryoso ulit. Sinabi ko sa kanila ang nangyari sa amin at sa pagtigil ni Alec. Kita sa kanilang mga mukha ang inis at galit, lalong lalo na si Isabelle. “That jerk! Ang kapal naman ng mukha niyang bitinin ka!” galit na galit niyang sabi na parang na experience na niyang mabitin. “You know what, Naime, maghanap ka na lang ng bagong lalaki. Ang ganda mo kaya at sigurado akong maraming lalaki ang nakaabang sa iyo.” Sabi ni Kira na kinasang-ayunan ni Isabelle. Marami pa silang ni rant tungkol kay Alec at tawang-tawa nalang talaga ako sa kanilang mga reaction. Lalo na si Isabelle na parang malaki ang pinaghuhugutan sa mga pinagsasabi. Pinagpatuloy namin ang pag-uusap naming tatlo dito sa aking kwarto. Nagpag-isipan din ng dalawa na linisan ang aking sala lalong lalo na sa couch. Hindi muna nila ako pinalabas sa kwarto, kailangan daw nila muna itong malinis bago ako lumabas. Naligo nalang ako at nag-ayos ng aking sarili. Pagkatapos kong lagyan ng kunting make-up ang aking mukha ay narinig ko na ang boses ni Kira sa labas na tinatawag ang aking pangalan na pwede na raw akong lumabas. Lumabas na ako sa aking kwarto at nakitang malinis na nga ang aking living room, hindi lang sa sala kundi sa buong condo unit ko. May nakalagay na rin na tatlong box ng pizza at ibang mga pagkain sa may table kaya bigla akong nagutom. Napagdesisyonan naming tatlo na kumain at hindi ko namalayan napadami pala ang aking pag kain. Siguro sa lungkot at pagkainis ko kay Alec? Nang mag gabi na ay nagpaalam na sila Kira at Isabelle na umuwi kaya naiwan ulit akong mag-isa sa aking condo unit. Huminga ako ng malalim at matamlay na dumeretso sa aking kwarto. 7 PM pa lang ng gabi pero gusto ko na matulog. Naghilamos muna ako at sinuot ang aking pang tulog. Hihiga na sana ako sa aking kama nang may biglang mag text sa aking cellphone. Napakunot ang aking noo nang makita kong unregistered number ito sa aking phone. Binuksan ko pa rin ito at nagbabasakali na baka kilala ko rin itong nag text sa akin. Unregistered Number: Hey, Naime! What’s up? Are you free tomorrow? Manood ka naman sa car racing na sasalihan ko bukas. Kakauwi ko lang ng Pinas kanina, and I want to see you! This is Xavier, my love. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang text. Galing ito kay Xavier! Si Xavier ang crush ko noong nasa Canada ako. Kapitbahay namin sila doon at malapit talaga ako sa kanya at sa pamilya niya. He’s a good friend of mine. Hindi ko siya nilandi kasi gusto ko hindi masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Mabait siya, magalang, at super pogi din! Mabilis akong nag reply sa kanyang text message na nakangiti. To Xavier: Hey, handsome! I missed you. Saan ba ‘yan? Pupunta ako! Can’t wait to see you:* Mabilis na nagreply si Xavier at sinend ang address kung saan gaganapin ang car racing na sinasabi niya. Nag-usap muna kami sa text ni Xavier kunti at nagpaalam na sa kanya na matutulog na ako. Maaga akong nagising nang mag umaga. Napagdesisyonan ko na pumasok muna sa aking trabaho at doon takasan si Alec. Alam ko na kapag aalis ako dito at didiretso sa venue na binigay ni Xavier ay masusundan pa rin ako ni Alec at hindi ako makakapayag na gumawa na naman siya ng gulo. Nang lumabas ako sa condo unit ko at pumunta sa aking boutique shop ay hindi ko nakita si Alec at nagpapasalamat ako doon. Agad kong nakita si Milda sa loob at binate ako. “Good morning, Ma’am. Masaya ako naka balik na kayo.” Nakangiting sabi niya. “Thanks, Milda.” Nakangiti kong sabi at pumasok sa aking office. Tinignan ko ang aking relo at nakitang may tatlong oras pa ako bago magsimula ang racing na sinalihan ni Xavier. Gumawa muna ako sa aking mga paper works at tumulong kay Milda sa labas. Habang nagtitingin sa mga damit dito sa aking boutique shop ay nakita ko sa labas si Alec na nakasuot ng shades habang may kausap sa cellphone. Nakaisip ako ng paraan upang matakasan ko si Alec. “Milda, pwede mo bang tawagin ang bodyguard ko sa labas? Papasukin mo dito sa loob at sabihin na dito na siya mag bantay para hindi siya mainitan sa labas, bigyan mo din ng maiinom.” Ngumiti si Milda at tumango. “Yes, Ma’am.” Nang lumabas si Milda ay pumasok na ako sa aking office at nilock ang pintuan. May emergency exit ako dito sa office ko kaya mabilis lang akong makalabas. Nang makalabas na ako sa emergency exit ay dali-dali akong pumara ng taxi at tumingin sa likod kung may humahabol ba sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang wala naman akong nakita. Nilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si Xavier. “Hey, Naime!” “Papunta na ako jan, abangan mo ako sa labas.” Sabi ko at pinatay na ang aking cellphone. Tinawagan ko din si Isabelle at humiram ng sasakyan sa kanya para makapag drive ako papuntang Batangas, kung saan gaganapin ang car racing ni Xavier. Makalipas ang isang oras na pagbabyahe ay nakarating na ako sa venue kung saan gaganapin ang car racing ni Xavier. Bumaba na ako sa kotse at pumunta sa entrance. Rinig na rinig ko din ang malakas na hiyawan sa loob. Nanlaki ang aking mga mata at lumaki ang ngiti ng makita si Xavier na nasa may entrance habang nakasandal at nakanguso. “Xavier!” tawag ko sa kanyang pangalan. Napatayo siya ng maayos at napatingin sa akin. Ngumiti siya at agad akong nilapitan. Patakbo din akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya ako at bahagyang binuhat at pinaikot. Dalawang taon na din na hindi ko nakikita si Xavier kaya na miss ko talaga siya. Nakasuot na siya ngayon ng kanyang uniform para sa racing at mga gear sa katawan. Mas lalo siyang gumagwapo ngayon. “Namiss kita, Naime!” sabi niya at inakbayan ako. Kumapit naman ako sa kanyang beywang ang nginitian siya. “Ako din!” Sabay na kaming pumasok sa loob habang nakaakbay siya sa akin. Pinaupo niya ako sa isang upuan na malapit sa kanyang kotse na gagamitin niya ata sa racing. “Xavier, girlfriend mo?” May nakita akong dalawang lalaki na nakasuot din ng katulad ni Xavier. Nginitian ko naman ito nang mapatingin ang dalawa. “Kaibigan ko lang.” sagot ni Xavier at sinulyapan ako at kinindatan. Binigyan ako ni Xavier ng tubig bago pumunta sa may starting area upang mag simula na. Wala akong kaalam alam sa ganito pero para kay Xavier ay susuportahan ko siya. Nagsimula na ang racing at nakita kong nangunguna ang sasakyan ni Xavier. Hindi ko mapigilang mapatili habang nanonood, maingay din ang mga tao sa paligid na nanonood kagaya ko. Nakailang lap na sila hanggang sa panghuling lap na at nangunguna pa rin si Xavier. Napatayo ako nang siya ang nakauna sa finish line. Nakita ko kaagad ang kanyang kotse na pinark sa harapan ko. Lumabas siya sa kanyang kotse at hinubad ang kanyang suot na helmet. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. “Congrats, Xavier!” Masaya kong sabi. Mahina siyang napatawa at ngumiti at hinalikan ako sa aking noo. Nagpaalam muna siya na pupunta sa may stage upang tanggapin ang kanyang premyo at ang kanyang trophy sa pagkapanalo. Pagkatapos ng ceremony at ng picture taking ay muling punta sa akin si Xavier at inakbayan ako. “Saan mo gustong kumain? My treat!” masaya niyang sabi. “Kahit saan basta kasama kita.” Sabi ko at nginisihan siya. Natigilan ako sa paglalakad at nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang lalaking nasa harapan namin ni Xavier ngayon. “Let’s go home, Naime.” Malamig na sabi ni Alec at lumapit sa akin para hawakan ang aking palapulsohan. Mabilis akong nabawi ni Xavier at mas hinigpitan ang paghawak sa akin. “Sino ka ba?” maangas na sabi ni Xavier. Malamig na tinignan ni Alec si Xavier. “I’m the bodyguard, at kailangan na niyang umalis.” Sabi ni Alec at muli akong hinala papalapit sa kanya. Hinila din ako papalapit ni Xavier sa kanya at tinaasan ng kilay si Alec. “Bodyguard ka lang, boyfriend niya ako.” Nakita ko ang pagkunot sa noo ni Alec at pag igting ng kanyang panga. “Let go of my girlfriend’s hand.” Madilim na sabi ni Xavier habang nakatingin kay Alec. Naramdaman ko ang paghigpit ni Alec sa pagkakahawak sa aking palapulsohan kaya napatingin ako sa kanya. Kumabog nang malakas ang aking dibdib nang makita ko siyang nakatingin sa akin ngayon. “I will not let her go.” Sabi ni Alec na nagpakabog sa aking dibdib nang malakas. TO BE CONTINUED... BAKIT MAY PA GANYAN KA ALEC? SELOS KABA? HAHAHA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD